~*~"Charles, kumain na kayo ng dinner!" Sigaw ko kay Charles nang makatapos akong kumain. Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at nag-shower. Hindi pa din pwedeng basain ang sugat ko kaya pinagka-ingatan ko talaga ang pagligo.
After ko mag-shower ay dumiretso ako sa walk-in-closet ko para magbihis at magpatuyo ng buhok, I put on my red satin nighties and robe. Umupo na ako sa harap ng vanity mirror ko saka ako nag-blow dry ng hair. I was halfway done nang biglang tumawag sa akin si Cashmere.
"Yes, bitch, what is it?" Tanong ko, pinatay ko na muna yung blow dryer para magkarinigan kami.
"Saan ka? May ginagawa ka ba?"
"Wala naman, kakatapos ko lang maligo, actually. I'm getting ready for bed na, may problema ba?"
"Wala, wala. Tara dito sa Maudlin," aya niya. Ang Maudlin ay yung high-end bar na pinupuntahan ng mga elite people dito sa lugar namin.
"Bakit nanjan ka? Kasama mo asawa mo?" Tanong ko dito.
"Oo, he's having drinks with his friends," sagot nito sa akin. "Pumunta ka na dito, pinag-uusapan ka ng mga kaibigan niya, nakita ka daw kagabi ang ganda mo daw."
"Gagawin mo talaga lahat para mapapunta ako, e," napairap nalang ako. "Para akong uto-uto nung sinabi mo 'yan ah."
Natawa siya sa kabilang linya, "tara na kasi! Pa-farewell party ko na din, pupunta na kami ng Europe ni Blake sa susunod na araw. Matagal-tagal tayong hindi magkikita."
Napa-isip ako. Medyo gusto ko ngang mag-inom ngayon, medyo badtrip pa ako sa mukha ni Sean. "Sige, I'll go get ready."
"'YUN! Hintayin kita, ah. Nandoon kami sa Master's Lounge, see 'ya!"
"Hoy, gaga ka! 'Wag kang mag-da-daldal, ha?" Paalala ko sakanya. Baka mamaya hindi na naman niya mapigilan ang bunganga niya.
"Oo kasi! Parang tanga naman 'to! Alam mo naman kung ano lang kinu-kuwento ko, e. Dating gawi lang. Sige na, babalik na ako 'don," binaba na niya kaagad yung tawag.
Pinagpatuloy ko ang pagpapatuyo ng buhok ko. After 'non ay nag-curl ako ng buhok, para magkaroon ng konting volume yung buhok ko, hinayaan ko lang 'yong nakalugay hanggang sa bewang ko. Hindi ako naglagay ng maraming make-up. Powder lang and liptint, gabi naman na at ayokong maging hassle pa mamaya kapag nakauwi na ako. I went straight to my clothes after 'non. Nagpunta ako sa white color section, I wore my cream, slinky ruched tie strap bodycon dress na fitted at nakahulma sa body curves ko. Kinuha ko na din yung white, Degrastrass 100 Christian Louboutin pumps ko at sinuot 'yon. Nilagay ko sa white, Hermes Kelly pochette clutch bag ko yung card holder, phone and yung car keys ko. I decided to drive my dark red, Tesla Roadster. I sprayed on my favorite perfume from Chanel before going out.
Nagulat sa bihis ko si Charles pagka-labas ko sa kwarto. Nakita ko siya sa living room, kasama pa ang dalawang body guard ko. Mukhang may pinag-uusapan. "Aalis ako, Charles, pinapapunta ako ni Cashmere sa Maudlin, iinom daw." Paalam ko.
"Paano yung sugat niyo, miss?" Tanong niya kaagad sa akin.
"I'll just call my hot doctor kapag may problema," kinindatan ko siya, kaagad akong inirapan ni Charles.
"We'll go with you, miss," sabi nito sa akin. Mabilis niyang tinawag ang tatlo ko pang body guard na nakabantay sa bintana ng living room ko. "Are you taking the limo?"
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."