~*~It has been three weeks nang magkaroong ng 'confession' si No Name sa akin. I haven't seen her after I removed her stitches. Hindi pa kami nag-uusap ulit, kahit through chats and calls lang. I'm starting to think na hindi talaga totoo yung sinabi niya sa akin three weeks ago. Pero kasi, yung mga sinabi niya sa akin ay parang naka-repeat na sa utak ko.
I don't know if you like me, but I like you.
That woman is driving my head crazy. Gusto ko naman siya, honestly. I'm liking her everyday, and I'm liking her more tuwing magkasama kami. Ang problema nga lang, hindi ko naman alam kung totoo bang gusto din niya ako. Tignan mo nga, 3 weeks nang walang paramdam. Para akong na-ghost e. Siguro, nagtatanong na kayo kung bakit hindi ako ang tumawag or magtext sakanya. Gusto ko na talagang gawin 'yon, kaya lang ay sinabi niya naman sa akin na siya na daw ang tatawag sa akin kung magkikita man kami or kung lalabas kami. Pero, medyo nag-aalala na ako, mamaya baka nakalimutan na pala niyang nandito ako.
'Are you free tonight?'
Hindi ko na napigilan, I sent her a message. Kung hindi siya libre mamaya, edi okay lang. Atleast, nagtanong ako di'ba? I waited for her reply, hindi naman siya natagalan bago magreply pabalik.
'Yes, why? I'm sorry, hindi na kita na-message. I have been very busy :('
Napangiti ako sa reply niya, so nakalimutan niya nga? Understandable naman na makalimutan niya, No Name have a lot on her plate right now. Naalala kong i-e-extend nga pala nila ang branches ng hotels niya overseas.
'Let's go out for dinner. You want me to pick you up?'
'Okay. Pero huwag mo na akong sunduin, manggagaling pa kami ni Charles sa company, just text me the address, susunod nalang ako.'
'Okay. Let's meet doon sa restaurant sa intersection, by the bay. Malapit lang 'yon sa penthouse mo. 8 PM. See you.'
'Cool, I'll see you later :*'
Medyo kinilig ako sa kiss emoji niya pero hindi ako nagpa-apekto masyado. I continued working with my patients' cases, thankfully wala akong surgery ngayon at so far wala pang emergency patients. Naka-focus lang ako sa pagbabasa, ni hindi ko na nga namalayan na pumasok na yung team ko sa call room para pag-usapan na namin ang gagawin sa mga pasyenteng nakitaan ko ng infection.
Tatlo sa mga pasyente ko ang may infection after ng surgery, iniimbestigahan na namin ngayon kung anong nangyari during the surgery. Hindi naman malala ang infection, sa katunayan nga ay minor lang naman 'yon and hindi na kakailanganin ng second surgery para mawala. Pinagpatuloy namin ang pag-uusap hanggang sa makita na namin kung ano yung mali. Tinulungan ako ni Dr. Cruz at ni Dr. Santos para mag-look back sa nangyaring surgery, napabilis naman ang pag-iimbestiga namin dahil magaling talaga yung dalawang 'to sa pagre-recall.
After namin mag usap-usap, pumunta na ulit ako sa office ko. Malapit na palang matapos ang shift ko ngayon, at hindi ako on-call mamaya after ng shift. Naghanda na akong umalis ng hospital around 6:50 PM. Plano ko kasing maligo muna bago pumunta sa meeting place namin ni No Name. Syempre galing akong hospital, maraming germs na ang kumapit sa katawan ko. Lumakad ako sa hallways ng hospital, marami ang bumati sa aking nurses, staffs at mga kapwa kong doktor. Nginitian ko lang lahat sila at tinanguan. Nang makarating ako sa ER ay pinaalalahanan ko yung nurses doon sa nurse station na si Dr. Santos ang tatawagin kapag may emergency. Sinabi lang nila sa akin na alam na daw nila ang gagawin nila na siyang nagpatawa sa akin.
"Shit," napamura ako nang makitang umuulan sa labas. Wala akong dalang payong dahil nasa kotse ko 'yon. Wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo sa parking lot papunta sa kotse ko.
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."