~*~
"Natawagan mo na ba siya, Charles?" Tanong ko nang makasakay kami ni Charles sa elevator. Pinindot ni Charles ang password ng penthouse ko para doon kami dalhin ng elevator.
"Yes, miss. He said he's on his way," mahinang sagot ni Charles. Nang maka-akyat kami sa penthouse ko ay inalalayan ako ni Charles papasok sa bedroom ko. Pasakit na ng pasakit ang sugat ko. Sa isip ko ay hinihiling kong sana ay mabulunan si Sean sa macarons na nakahain sa garden, dahil sa ginawa niya sa akin.
Inilapag ko sa couch yung bag ko at tinanggal ko ang sapatos ko. Hinubad ko yung cardigan ko, bago ako humiga ng dahan-dahan sa kama. Pumikit ako at inilagay ang braso sa ibabaw ng mata ko. Pinipilit kong pigilan ang pag-gawa ng tunog dahil sa hapdi ng tagiliran ko.
"Miss?" Rinig kong sabi ni Charles, nakapasok na siya sa room ko.
"Yes?" Inaantok kong bulong, hindi pa rin minumulat ang mga mata ko. Ngunit, nararamdaman ko nang hindi lang ako at si Charles ang nasa kwarto ko. "Sino 'yang kasama mo?"
"Your doctor," sagot niya. Minulat ko ang mata ko at dahan-dahang binaba yung braso ko. Tinignan ko si Charles at ang kasama niya na nakatayo lang sa pinto ko.
"Come in, doc. You can leave now, Charles," utos ko sa kanila.
"Good morning, miss," ngiting bati sa akin ni Dr. Fontanilla.
"Good morning, Dr. Fontanilla," nakangiti ko ding bati sakanya. "I'm sorry if I had to call you immediately, dumugo kasi yung sugat ko."
Lumapit lang siya sa akin para tignan maigi ang right torso ko. Dahan-dahan niyang tinanggal yung gauze na nakatakip lang sa sugat ko. "Oh, the suture did ripped," rinig kong bulong niya nang makita na ang kabuoan ng sugat ko. Nalipat ang tingin ko mula sa sugat ko papunta sa kanya. Ang lapit na niya sa akin ngayon, at nakikita ko na ng malapitan ang mukha niya.
"Are you that guy from last night?" Wala sa sarili kong tanong. Tinignan lang niya ako, confusion is evident on his face. "No?" Nagbaba ulit ako ng tingin, baka hindi siya 'yon.
"Are you talking about the wedding reception?" Dali-dali ulit akong nag-angat ng tingin sakanya, at tumango. Bahagya siyang natawa nang makita ang reaksyon ko, pinagpatuloy niya ang paglinis sa sugat ko. "Yes, I am that guy."
"No wonder, you're familiar," nasabi ko nalang. Pinagkatitigan ko pa siyang mabuti. "You look handsome last night, by the way," sinabi ko 'yon ng walang pag-aalinlangan, habang nakatingin sakanya.
He looked at me, and flashed an amused smile, "you, too, look gorgeous last night."
"Jonathan Fontanilla, right?" Tanong ko ulit sakanya, bumalik na ulit ang paningin niya sa sugat ko. Tumango siya habang nandoon ang paningin. "You look great, Jonathan," komento ko ulit.
"Are you really the type to compliment a lot?" Natatawa niyang tanong sa akin, tinignan niya ako ng maigi at natatawang umiling.
"Uh, no? I only compliment those people na gusto ko," seryoso kong sabi habang sakanya nakatingin. Nginitian ko siya, kaya napailing nalang siya saka ibinalik ang atensyon sa sugat ko. Sinimulan na niyang magtahi doon.
Natahimik ako sandali, just looking at him. Ang guwapo niya kasi talaga. Kagabi pa ko humanga sa mukha niya, e. "Paano mo nga pala naalala ang mukha ko? Nakita kong sandali mo lang naman ako pinasadahan ng tingin," tanong niya habang pinagpapatuloy ang pagtatahi sa sugat ko.
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."