~*~
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Unti-unti akong dumilat para makita na hindi ko pala naisara yung curtain ng window wall ko kagabi, kaya sumobra ng liwanag ang buong kwarto ko. Lahat ng nangyari kagabi ay na-aalala ko pa, kaya hindi na ako nagulat nang makita ko si Jonathan na natutulog sa tabi ko. Nakayakap ang dalawa niyang kamay sa akin, cuddling me.
"I have never cuddled before," naibulong ko nalang habang nananatili ang tingin sa natutulog na mukha ni Jonathan. "This is nice, though," napangiti ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Jonathan. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero unti-unti kong tinititigan ang detalye sa mukha niya. Mula sa perfectly shape eyebrows niya na mukha regular ang pagpapa-groom, sa pilikmata niyang manipis ngunit may kakapalan, sa ilong niyang may kalakihan pero sumobra sa tangos. Sa labi niya na natural ang mamula-mulang kulay, perpekto din ang pagkaka-kurba nito. Napansin ko din na kapag ngumingiti siya ay makikita mo ang nakakasilaw niyang mga ngipin.
Aaminin ko, guwapo si Jonathan. He's definitely my type, may something sakanya na nag-aaya sa akin para kilalanin pa siya. Napapangiti nalang ako, baka mamaya siya na ang susi para makalayas ako sa pagkakasakal sa akin ni Don Joaquin.
"No," napailing nalang ako. "I'm not ready, yet."
Binura ko lahat ng naiisip ko kanina, hindi pa ako handa. Kahit na desperada na akong makalaya at maka-alis kay Don Joaquin, hindi ko pa din kayang matali sa isang lalaki.
Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa head-board, hindi inaalis ang pagkaka-yakap ni Jonathan sa bewang ko. Nakakatuwa lang na kahit na nakayakap siya sa akin habang tulog ay parang nakatatak na sakanya na pag-ingatan ang tagiliran ko, kung saan ako may sugat.
"Time for your morning report, pops," mahina kong sabi sa wristband ko.
Kaagad na pumasok sa kwarto ko si Charles, "woah, sure ka ba na magrereport na ako?" Bulong niya, tinuturo si Jonathan na nakakapit sa bewang ko.
"Oo, hinaan mo lang," nakangiti kong sabi, habang nakay Jonathan ang tingin. "He looks so peaceful."
"Kaya pala kaganda ng ngiti mo," puna ni Charles. "Kinikilig ka 'no?"
"Kung batuhin kaya kita jan?" Pabulong kong singhal. "Magsimula ka na, ang aga-aga pinapasama mo mood ko."
Natatawang binuksan ni Charles ang iPad na hawak niya, kung saan nandoon lahat ng irereport niya. "Let's start with your sales, miss. Kaninang 7:30 ng umaga ay sinend ng financial team mo ang pagtaas ng sales ng hotel and resort mo sa Bohol. Tumaas ito ng 3% kumpara last month."
"That's good news, yung sa Bohol lang ba?" Tanong ko. Sa sobrang competitive ko ay confident ako na hindi lang sa Bohol ang may tumaas na sales.
Napairap si Charles, "ang aga mong nagyayabang." Natawa ako sa komento niya, "yung iba mo ding hotels abroad ay tumaas ang sales by 2% to 5%. Masaya ka na?"
"That's what I'm talking about!" Napalakas ng kaunti ang sigaw ko, kaya naramdaman ko ang pag-galaw ng braso ni Jonathan na nakayakap sa akin.
"Ang ingay mo kasi," pabulong na asik sa akin ni Charles. "Nagising mo si doc!"
Nakita ko kung paanong unti-unting dumilat si Jonathan, halatang silaw na silaw siya sa liwanag ng buong kwarto. "What's with the noise?" He asked, and oh my, his bed voice! Inaakit ako ng boses niyang bagong gising!
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."