~*~"Let's go, Charles," I commanded as I hopped inside my limousine. "I'll change here, so close the window please."
Charles immediately closes the black, sound-proof window. I quickly changed my clothes into my satin, black fitted bodycon dress. Sinuot ko yung black high-heels ko and kinuha sa compartment yung black clutch bag ko. After 'non ay inayos ko na yung nakalugay kong buhok into a high ponytail.
Cashmere will probably kill me with her words now. Hindi ako nakapunta sa wedding ceremony niya at late na din ako sa wedding reception niya. Napakagat nalang ako sa labi ko nang ma-imagine ko yung magiging sitwasyon ko mamaya pagka-dating ko sa reception.
"Drive faster, Charles!" Utos ko nang pindutin ko yung call button sa right side ng limousine ko.
"Yes, miss," Charles answered.
Sinipat ko ang sarili ko sa mirror sa harap ko. Mabuti nalang at hindi ako nagkaroon ng pasa or ng kahit na anong sugat sa pakikipag-away ko ngayon lang. Kung hindi ay mahihirapan akong itago 'yon, dahil sa damit na suot ko ngayon. Napa-mura nalang ako ng mahina nang maalala ko na naman yung pinagmulan ng away namin nung gang kanina. Mga kupal, hindi ko naman sila ina-ano, sa totoo lang. Hinamon nila ako kasi hindi yata kinakaya ng pride and ego nila yung kakayahan ko. Mga gago. Hindi nila alam na libangan ko lang ang pakikipag-away at hindi ko naman talaga sineseryoso 'yon. Kaya lang, kahit hindi ko seryosohin, e, napupuruhan pa din sila. Nakaka-awa sila after ng away namin, actually. Kaya nagmamagandang loob na din ako, at ako na mismo ang tumatawag sa ambulansya para madala sila sa hospital.
"Malapit na ba tayo sa reception, Charles?" Tanong ko ulit, through the call button. Hindi na ako naglagay ng make-up sa mukha ko, dahil wala naman akong tatakpan. "Tapos na akong magbihis, you can open the rear window na," dagdag ko pa.
"Miss, we're here." Thank heavens! Dali-dali akong bumaba sa limousine, hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Charles. Pumasok na din ako sa loob ng hotel.
Huminto ako sa harap ng service area, "uhm, where's the wedding reception of Mr. and Mrs. Blake Gonzales?" Tanong ko sa babae, tatlo kasi ang reception hall dito sa hotel.
"May I know your name, ma'am?" Oh shit.
Napatingin ako sa babae, not wanting to say my name. I quickly called Charles, siya kasi ang pangalan na pinalagay ko kay Cashmere sa guest list. I moved my left wrist near my mouth, talking through my wrist band. "Charles, where the hell are you?" I hissed. "I need you here, now!"
On cue, pumasok si Charles sa loob. "Charles Mane," sabi ni Charles doon sa babae. Dali-daling hinanap nung babae yung pangalan ni Charles, at noong makita na niya ay pinapasok na niya ako kaagad sa Reception Hall 1.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang taong nakalapit kay Cashmere sa table nila ni Blake, ang lalaking nagpatino sakanya. Lumapit ako sakanila at matamis na ngumiti kay Blake nang makita niya ako. "Your best friend's here, mahal." Sabi nito kay Cashmere.
Kaagad na lumingon sa gawi ko si Cashmere, ang matamis na ngiti niya ay unti-unti nawala mula sa mukha niya. Lumapit pa ako sakanila at nakipag-beso sakanya at kay Blake. Nakangiti pa din ako ng matamis sakanya, "hi, bestfriend," awkward kong sabi sakanya.
"Mahal, could you excuse us for a moment? Go and entertain some guests, I think your parents wants to talk to you, oh," sabi ni Cashmere kay Blake. Kaagad na tumango si Blake at naglakad sa table ng parents niya.
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."