~*~
"Oh, ayan na pala si Doc, e!" Rinig kong sigaw ng kaibigan kong si Austin. "Ano na namang dahilan mo at late ka ngayon, gago?" Natatawa niyang tanong.
Umupo ako sa tabi niya, at bahagyang natawa. "I had an emergency surgery, pre. Toxic ang emergency room kanina dahil may mga sinugod na mga lalaki. Mukhang gang fight ang dahilan," sagot ko.
"Nako! Mga tao nga naman, wala na nga yatang alam na gawin kung hindi ang magpatayan at makipag-away," sagot ng isa ko pang kaibigan na si Rain. "Anyways, have you went to Blake na? I still can't believe na he's married na, pare!" Natatawa niyang dagdag.
"Oo, ang gagong 'yon. May paiyak-iyak pa kanina nung nagsasabi siya ng wedding vows niya. Hindi ko alam kung yung iniiyak ba niya, eh, dahil sa pagmamahal niya kay Cashmere o dahil matatali na siyang tuluyan at hindi na makakagawa ng kalokohan," natatawang komento ni Xyrell.
"Talaga ba? Sayang at wala ako kanina sa ceremony," napapailing akong tumawa. "I'll be back guys, ha? Puntahan ko lang si Blake, kuha na din ako ng food ko. Gutom na ko, mga gago kayo. Hindi niyo man lang ako kinuhanan ng pagkain, wala kayong mga kwenta," sabi ko sabay hampas sa tiyan ni Austin at tayo na. Narinig ko pang nagtawanan sila dahil sa sinabi ko, kaya napakamot nalang ako sa batok ko. Nakalimutan yata nila na wedding reception 'to at hindi club, ang ingay nila.
"Jonathan!" Kaway sa akin ni Blake, nang makita niya akong naglalakad papunta sa table nilang mag-asawa. Kaagad akong nakipag-beso sa bride niya nang makalapit ako, at binigyan ko naman siya ng yakap. "Gago ka, bakit ngayon ka lang?"
"Emergency surgery, pare." Sagot ko. "Congratulations nga pala, Cashmere. Ikaw lang ang nakapag-patino dito sa kups na 'to. Sa wakas, e, natali na din," baling ko kay Cashmere.
"Gago ka, sisiraan mo pa talaga ako sa araw ng kasal ko," bulong sa akin ni Blake, natawa ako.
"Nako, salamat, Jonathan. 'Wag kang mag-alala ikaw na ang susunod na itatali sa inyong magkakaibigan." Natatawang sabi sa akin ni Cashmere, napahagalpak ng tawa si Blake dahil sa sinabi ng asawa niya.
"Mahal, hindi matatali 'tong kaibigan ko na 'to. Unang-una, wala namang maitatali dito, at pangalawa, libro lang ang katapat nito," mapang-asar na sagot ni Blake sa asawa.
Siniko ko siya sa tagiliran, dahilan para matawa pa siya ng malakas. "Gago ka, sige tumawa ka ng tumawa. Kapag ako nabuwiset mo, ilalabas ko yung scandal mo nung high school tayo para mag-file na ng annulment kinabukasan 'tong asawa mo," bulong ko sakanya, habang nakangiti sa asawa niya na nasa harapan naming pareho.
Nagugulat na tumingin sa akin si Blake, "kupal ka, akala ko nabura mo na 'yon, hayop ka?" Bulong niya pabalik, nakangiti din kay Cashmere. Mukha kaming mga gagong nakangiti lang kay Cashmere habang nagtatakutan.
"Siraulo, bakit ko buburahin 'yon? Memories 'yon, gago. Kaya sige, asarin mo lang ako. Yung iniyak mo kanina sa wedding ceremony niyo? Itaga mo, 'yon din magiging iyak mo kapag naglabas ako ng baraha ko."
"May problema ba, mahal? Bakit nakangiti lang kayong pareho jan? Ang creepy niyo, seryoso," sabi ni Cashmere, mukha ngang hindi na siya komportable sa mga ngiti namin sakanya.
Pasimple akong hinampas ni Blake sa likod, "a-ay, wala, mahal. Nagugutom na daw kasi 'tong si Jonathan," lumakad si Blake pabalik sa tabi ng asawa niya, nilagay niya yung kamay niya sa bewang nito, at hinapit ito palapit sakanya. "Di'ba, Jonathan? Di'ba nagugutom ka na?" Blake asked me, with his gritted teeth. Patago akong natawa sa itsura niya. Halatang ayaw na akong makita sa harap niya.
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."