~*~
"Fuck," I hissed when I felt my whole body ached. I sat up and saw myself in my room, in my penthouse. Nakita ko na nakapag-palit na pala ako ng damit, I am now wearing my satin pink nighties. "Get in here, Charles," I commanded through my wrist band.
Komportable na akong pumapasok si Charles sa kwarto ko, dahil palagi ko naman siyang pinapapasok dito para magreport ng mga happenings sa akin habang natutulog ako. I need Charles for my security, my trips, and my schedule. Pumasok si Charles mula sa automatic door ng kwarto ko. "Good morning, miss," bati niya sa akin.
Tinanguan ko lang siya, at sinenyasan to proceed with his report while I was sleeping. "You passed out when we got to the Emergency Room, miss. The doctor, by the name of Jonathan Fontanilla, treated your wounds and stitched your slash on your right torso. He also conducted few tests like CT Scan, X-Ray and MRI on you," tuloy-tuloy niyang sabi, without breaking his gaze.
"And my name?" Tanong ko.
"As usual, no one knows about it. I also told the doctor that the situation is confidential," sagot nito sa akin.
"Magaling," komento ko sabay higa ulit sa kama ko. Maingat akong nahiga dahil sa sakit ng katawan ko. Nakita ko mula sa mirrors dito sa kwarto ko kung ano ang itsura ko. May band-aid ako sa noo at maliit na band-aid sa labi. Wala akong pasa sa mukha, maliban sa mapulang parte, gawa siguro ng pagkakabagsak ko sa sahig nung sinampal ako ng hinayupak na si Raze. "Find out where Raze's gang is, hindi ako papayag ng walang rematch," walang emosyon kong sabi kay Charles.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napatingin ako sakanya, "sigurado ka ba?" Tanong sa akin ni Charles, nakarehistro na ang inis sa mukha niya.
"Chill, pops. Hindi ko siya ngayon kakalabanin, magpapagaling na muna ako," sabi ko sakanya. "Kaya hanapin mo na si Raze, tawagan mo na din yung sampu ko pang tao na naka-stand by. Kakailanganin ko sila."
Nakita ko kung paano pina-ikot ni Charles ang mga mata niya, "nga pala, yung apat na kasama mo sa loob ng warehouse."
"Are they okay?" Mabilis kong tanong.
"Three of them, okay na. Madi-discharge na sila bukas. Si Michael, yung pinaka-bata mong guard, siya ang napuruhan. Kinailangan siyang operahan sa abdomen dahil sa natamo niyang tama," sagot ni Charles.
"Okay, nabayaran mo na ba yung bills?" Tanong ko. Ayokong mag-alala pa ang mga tauhan ko dahil sa bayarin sa hospital.
"Oo, okay na lahat. Na-settle ko na," sagot sa akin ni Charles. Napangiti nalang ako sakanya. "Don't give me that smile, hinding hindi mo na ako mapapanatili sa labas kapag papasok ka sa ganong klase ng labanan."
Napairap ako, "whatever you say, old man." Babalik na sana ulit ako sa pagtulog nang magsalita ulit si Charles.
"Uh, your father wants to see you, miss."
Napadilat ako, at kaagad na napabangon. Dumaing pa ako ng bahagya dahil naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko pagka-bangon ko. "Bakit daw?" Iritable kong tanong.
"Hindi niya sinabi, miss, e."
Napairap nalang ako. "Bakit ba kasi hindi nalang ikaw ang naging tatay ko, Charles?" Tanong ko.
"Hindi naman kasi ako ang nag-ampon sa'yo, miss," natatawang sagot ni Charles. "Tsaka magpasalamat ka nalang na si Don Joaquin ang naging adoptive father mo, tignan mo ang buhay mo, oh."
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."