~*~"What was that?" I asked myself, touching my lips that Lady in Black kissed. "That was fast." Napailing ako, hindi ko in-e-expect ang mga nangyari kanina. Masyadong mabilis si Lady in Black.
Sumakay ako sa gray Toyota Supra ko at nag-drive pabalik ng hospital. Mabuti pala at time ng shift ko nang tumawag si Charles para puntahan ko si Lady in Black. Nang makarating ako sa hospital ay nagpark ako sa reserved parking space ko, bago ako bumaba at dumiretso sa elevator. I pressed the floor number kung saan naroon ang office ko. Pagka-pasok ko sa loob ng office ay sinuot ko kaagad yung lab coat ko.
"All doctors and nurses under my team, Dr. Jonathan Fontanilla, please gather at the call room." Pormal kong sabi nang pindutin ko ang call button sa opisina ko. "I repeat, all doctors and nurses under my team, Dr. Jonathan Fontanilla, please gather at the call room. Thank you." Lumabas na ako sa opisina ko, sinuot ko lang stethoscope sa leeg ko at nagpunta na sa call room.
"What's up, doc?" Tanong ni Dr. Santos. She's a general surgeon fellow.
"We will be doing our rounds today, mag-a-assign na din ako sa inyo ng mga gagawin. May upcoming surgery ang isa sa mga VIP patients natin," paninimula ko nang makita kong halos kompleto na silang lahat. Maliban sa isa, "where's Dr. Cruz?" I asked looking for my Anesthesiologist.
"He's on his way, doc," sagot ng nurse anesthetist. Napailing ako, saan na naman galing 'yon?
"Sorry, I'm late!" Sigaw ng kakapasok lang, "bakit may roll call?" It was Dr. Cruz.
"Umupo ka muna," seryoso kong sabi. "So 'yun nga, as I was saying magkakaroon tayo ng operation sa isa sa mga VIP patients natin. I will be sending the patient's history and medical records, through e-mail."
"Kailan ang surgery?" Tanong ni Dr. Cruz.
"Friday night, 10:00 PM. Make sure to ready our Operating Room at that time, SurgeTech," utos ko sa Surgical Tech ng team. She just nodded. "Good, now, we'll make rounds sa wards and sa ICU. Lahat ng pasyente na hawak ko galing sa mga emergency situations nitong mga nakaraang araw ay madi-discharge na sa hospital ngayon. Be ready for the rounds. Dismissed."
Nagsitayuan ang team ko para mag-ready na sa rounds na gagawin namin. Naiwan si Dr. Cruz kasama ko dito sa call room. "Gago ka, saan ka na naman galing?" Tanong ko dito.
"Si doc naman," ngumiti siya sa akin ng loko. "Syempre, nandito lang ako sa hospital."
"Where exactly, doc? Malaki ang hospital," tumayo ako mula sa kina-u-upuan ko at naglakad papunta sa kanya. "Kapag nalaman ko na gumagawa ka na naman ng milagro kasama ang ibang staff dito sa hospital, isu-suspinde kita, naiintindihan mo?" Nginitian ko siya ng sarkastiko.
"'Eto naman parang hindi kaibigan, e."
"Siraulo ka, kapag ikaw nahuli sa ginagawa mo na 'yan, Cruz," nagbabanta kong sabi sakanya.
"Oo na nga, basag trip ka naman, Jonathan, e."
"Sige na, gago, maghanda ka na."
Naglakad na kami ng team ko papunta sa ICU para tignan lahat ng pasyente na hawak namin. So far, they are all recovering well. Sinabihan ko lang ang nurse anesthetist ko para i-check frequently ang mga pasyente. Dumiretso na kami sa wards after 'non, as said earlier, lahat ng hawak kong pasyente sa wards ay pwede nang makauwi ngayon. I checked all of them for the last time, bago ako bumalik sa office ko.
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."