~*~
My body hurts. Literally, my whole body, hurts.
"Fuck," napasinghal ako nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko.
"No, Michael. Hindi ko pwedeng ibigay yung gusto ng tatay ko," rinig kong mahinang singhal ni No Name. Hindi ko magawang tumayo dahil ang sakit ng katawan ko. Kita ko sa window wall na madilim pa. Sa hula ko ay madaling araw palang. Hindi ko alam kung nagising na ba si No Name o hindi pa siya natutulog. "Don't ask, Michael. Basta ginagawa ko 'to para sa kompanya ko," pagalit pa din niyang sabi. Halata sa pagsasalita niya na nabubuwisit siya ngayon.
She's wearing a lilac night gown, ending inches above her knees. Nakasuot din siya ng satin lilac robe, hindi pa nga naka-ayos dahil naka-expose yung kanan niyang balikat. Nagpapalakad-lakad siya sa harap ng malaki niyang study table, wearing her specs. Huminto siya para uminom ng alak sa baso, halata sa mukha niya ang pagkawala ng pasensya.
"Basta hindi ko ibibigay, Michael. End of discussion!" Pasigaw na niyang sabi, nagulat pa siya sa nagawa niya kaya mabilis siyang napatingin sa akin. Nanlaki ang mata niya nang makitang gising na ako. "Anyways, kapag nalaman ko na may ginagawa ka ng patago o nakikipagkuntsabahan ka sa tatay ko, mawawalan ka ng trabaho. Naiintindihan mo?!" With that, tinapos niya ang tawag.
Binaba niya ang basong hawak niya at ang phone sa lamesa. "I'm sorry kung nagising kita," sabi niya. She's now walking towards me, hinubad niya yung salamin niya, massaging the bridge of her nose.
"Hindi mo naman ako nagising, I woke up before you shouted," nakangiti kong sagot.
Umupo siya sa gilid ng kama. "How are you feeling?" Halata sa mata at boses niya ang pag-aalala.
"I feel battered," pabiro kong sabi. Pero hindi siya natawa. Napabuntong hininga ako, "are you worrying about me?"
"Who wouldn't be?" Mabilis niyang sabi. "That happened because of me," pabulong niyang sinabi.
"Ha?" Pagkukunwari ko, ayokong mag-isip siya ng ganon.
"Nothing," ngiti niya. "You should get back to sleep."
"You should sleep too," utos ko din sakanya. "Join me."
Napangiti siya sa sinabi ko, saka tumango. "I'll just brush my teeth," paalam niya, saka dire-diretsong pumasok sa banyo.
Nagising ulit ako, at nakitang maliwanag na sa labas. Sinisilaw ako ng liwanag na nanggagaling sa window wall ni No Name.
"You awake?" Rinig kong tanong ng nasa gilid ko. Wala na sa tabi ko si No Name, nakaupo na siya ngayon sa malaki niyang study table. May mga binabasa siya doon at pinipirmahan, she's wearing her specs at mukhag handa na siyang umalis dahil nakabihis na siya. "I need to go to my office now, nagpatawag ako ng mag-aalaga sa'yo, just in case may maramdaman kang hindi maganda."
Tumayo siya mula sa study table at kinuha ang bag niya. Isinukbit din niya ang coat niya sa braso niya. "Call me kapag may nangyaring hindi maganda," sabi niya bago naglakad palabas.
"No, wait!" Pagtawag ko sakanya. Dahan-dahan, pero mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga ko. "I need to go to the hospital now, duty ako ngayon."
"What?!" Gulat niyang tanong sa akin, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "No way, hindi pwedeng next week ka na mag duty?"
Natawa ako ng mahina, kinuha ko ang coat at bag ko sa tabi ng night stand. Ramdam ko pa din ang sakit ng buong katawan ko pero hindi ko muna dapat 'yon indahin. "No Name, being a doctor is not like being a businesswoman, hindi pwede ang re-schedule and delay dahil buhay na ang nakasalalay dito," nakangiti kong sabi sakanya. Napahawak ako sa bibig ko nang may maramdaman akong parang napunit ang labi ko, napapikit ako sa hapdi nito.
"Would you stop calling me No Name? It's corny." Nakita ko kung paano siyang umirap.
YOU ARE READING
No Name
Action"Hindi mo naman kailan ang pangalan ko para makilala mo ko. Look into my eyes and you will know who I am."