Kinabukasan
"Uy charot lang talaga 'yong pambabara ko sayo ha"Saad naman nitong katabi ko, magkatabi kasi kami sa Esp dahil magkagrupo din kami dito.
Hindi ko naman siya pinansin at hinayaan na lang. Akala ko titigilan niya na ako pero biglang nakaramdam ako ng kalabit sa braso ko.
"Psstt, friends na tayo ha?"
"Uy, Red!"
"Hindi tayo close, huwag mo akong tawaging Red"Saad ko na hindi man lang siya tinignan.
"Sungit talaga"
Nakinig lang ako kay Ma'am sa lesson. Akala ko mapapatahimik na siya pero mayamaya ay naramdaman ko na naman ang pagkalabit nito.
"Psstt, Jared. Friends na tayo ha?"
Pigilan mo ang inis mo, Red. Unting pigil pa baka makasapak ka ng babae ng wala sa oras.
"Tigilan mo pagkakalabit mo, nakakairita" Inis kung tugon at napatingin naman si Ma'am sa gawi namin.
"Mukhang may sarili kayong Discussion diyan Mr Quinar and Ms Esmida?"
"Wala po ma'am"Sabi niya
"Papansin kase!" Bulong ko
"Hoy, nakikipag friends lang eh, tiyaka nagsosorry sa pambabara ko sayo sa chat heheheh"
"Ge"
"Sungit mo!"
"Again Ms Esmida and Mr Quinar if you have some respect on my class. Please. Be quiet. Kung LQ kayo pwedeng mamaya na lang after class ayusin" LQ? Tsk.
"Yieeee" Hiyaw ng mga kaklase namin.
"Ok tahimik na"
Nakakainis ang araw na 'to ahh.
__________________________________________________________________________________
Pagkatapos ng klase sa Esp ay TLE na namin kaya niligpit ko na ang mga gamit ko dahil pupunta na kami sa TLE room namin.
"Red!"
"Bakit?" Tanong ko kay Luri
"May binubuo kaming fansclub ninyo, ang Team ReMik!!" Pinagsasabj na naman nito?
Napatingin naman ako sa gawi nila Mikaela na nakatingin din saamin, umiwas ako ng tingin at sinukbit na ang bag ko. Malas ng araw na 'to.
"Uy! Hintay!" Hindi ko naman pinansin si Luri, trip na naman ako nito e.
Nakadating na kami sa TLE namin.
"Anong pinag-uusapan niyo ni Mik?"
"Wala"
"Nakita ko kayang nag-uusap kayo bago kqyo pagalitan ni Maam kanina"
"Tungkol lang sa report 'yon wala namang importante pa"
"Mukhang naasar ka ata sa kanya e"
"Sobra, ang kulit kasi niya"
"Kinukulit ka?"
Tumango ako at bigla naman itong ngumiti ng nakakaloko.
"Ako president ng fansclub niyo ha?"
"Tumahimik ka nga diyan, lakas na naman ng amats mo"
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Teen FictionPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...