NLA 2 - KABANATA 4

13 5 0
                                    

1 week Later

Nandito ako ngayon sa corridor sa may pinakigilid kung saan kita ang kubo na malapit sa building nila Johan, tinitignan ko lang sila Mikaela, ano kayang ginagawa nila 'don? Kasama nito si Neslyn, Grace at Lovely.

Nagtanong kanina sakin si Mikaela tungkol kay Johan, kung pumasok ba si Johan mukhang aabangan nila si Johan. Aamin na kaya siya?

Nakakainis ang ganitong feeling, pakiramdam ko naiingit ako kay Johan kasi may babaeng nagkakaganon sa kanya. Ang babaeng pa 'yon ay 'yung taong gusto ko.

"Alam mo ang swerte ni Johan 'no? Gwapo ng tropa mo e" Andito pala 'tong Luri na 'to.

"Hindi din"

"Selos ka lang eh"

"Naawa lang ako kay Mikaela, may ibang gusto na 'yong tao hindi pa 'din tumigil"

"Sabihin mo kaya 'yan sa sarili mo"

"Hindi ko mapipigilan at mauutusan ang nararamdaman ko gustuhin ang tao"

"Ganon din ang sagot ni Mikaela kung tatanungin mo man siya"

"Tama ka, pero mauuna na ako pupuntahan ko na si Johan"

Bumaba na ako ng building. Nakita ko naman na parang nag-uusap sila Lovely at Mikaela sa kubo pero pumunta na ako kay Johan.

"Pre!"

"Ohh, kala ko sa stage kitaan?"

"Pinuntahan na kita, maaga uwian namin e" Sabi ko at napatango naman siya.

Napatingin ako sa harap namin, si Mikaela.

"Si Mikaela ohh, naks naman"

Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar dito dahil sa totoo lang naiinis ako bakit siya pa nagustuhan ni Mikaela.

Nakalabas na kami ng school at nasa harap pa din namin si Mikaela at nagpapaalam kay Grace. Sa may unang terminal ng Tricycle pala si Mikaela sumasakay at sa kabilang terminal kami sumasakay ni Johan, ganoon din si Lovely isa naming kaklase ni Mikaela.

"Bye, Mikaela sana macrushback ka na hahahah ingat"Dinig ko pang sinabi ni Grace, bago uamlis ang Jeep.

Nag-intay naman kami na tumawid nasa kabilang lane nasa gilid ko lang si Mikaela, naisip ko naman na batiin siya.

"Hi Mikaela"Lumingon ito. Napatingin sakin at kay Johan bigla naman niyang ibinalik ang tingin sakin. Kinakabahan siya, nandito ba naman kasi ang gusto niya.

"Hello"Tugon nito pero ramdam kung naiilang siya.

Tumawid na kami at naunang makasakay si Mikaela ng Tricyle.

"Ingat ka Mikaela baka mahulog ka tapos walang sumalo hahahha joke"Sabi ko naman  at sinamaan niya ako  ng tingin, napabaling naman siya  ng tingin kay Johan na nakatingin lang din sakanya, agad naman siyang umiwas.

Nagpatuloy na lang kami sa pagpunta sa sakayan ng Tricycle.

"Naks, Red, close kayo?"Tanong ni Johan

"Hindi masyado"

"Sabi mo ayaw mong makipagkaibigan sa kanya?"

"Noon lang 'yon"

"Noong hindi mo pa siya gusto"

Nandito na kami sa sakayan at nag-antay ng masasakyan, ubusan talaga dito kapag nakakasabay namin ang kabilang school sa uwian. Kainis badtrip ng araw ko ngayon.

Nakita ko naman si Mikaela na nakasakay sa labas ng Tricyle sa may likod ng driver, baka mahulog siya dapat sa loob siya umuupo at napansin kung nakatingin siya kay Johan, umiwas na lang ako ng tingin kay Mikaela.

Iniisip ko bakit hindi na lang ako ang nagustuhan niya? Akala ko noon ako ang magugustuhan niya pero gusto niya lang ata ako maging close dahil nalaman niyang kaibigan ko si Johan ang taong gusto niya.

"Uy pre, si Janine" Bulong ni Johan, ang lalaking 'to parang bakla na naman kung kiligin.

May dumating na Tricycle kaya sumakay na kami, pumasok sa loob una si Johan at pinauna ko naman si Janine, ako na lang uupo doon sa maliit. Kikiligin na naman 'yang si Johan na magkukwento kanila Remar at Ross.

Hindi sila sumabay may aasikasuhin lang daw. Ang mga loko nga naman talaga, mauupakan na naman ng mga magulang nila kapag nalaman na kung saan saan na naman nagpupunta bago umuwi.
__________________________________________________________________________________

Nagstalk lang ako kay Mikaela madalas ko na 'tong gawin, hindi ko alam kung normal pa ba 'to, joke hahahahah normal 'to alam ko. Abnormal lang ako sa nararamdaman ko. Ignorante kumbaga.

Hindi ko naman lubos maisip na isang Mikaela Esmida lang pala ang makakapag ganito saakin. Masaya naman ako at unti unti ko siyang nagiging close at nakikilala.

Sayang lang at iba ang gusto nito at hindi ako, pero ok lang sabi nga nila handa mo dapat tanggapin ang rejection pero malay ba natin magbago ang takbo ng mundo at sakin siya magkagusto.

Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now