Kinagabihan pagkatapos ng birthday ni Mikaela nag-usap kami sa isang gc kung saan wala si Mikaela.
Naisipan ko kasi na sabihin kaya ni Johan sa personal kung ano talaga 'yung totoo kay Mikaela dahil pansin namin umaasa pa din siya kay Johan.
Ayaw namin na hayaan na lang 'yon. Para saan pa at naging kaibigan niya kami. Hindi niya maiisip hangga't hindi nakaklaro ni Johan ang lahat.
Hindi naging maayos ang pag-uusap nila. Alam ko na sa gagawin namin magiging malinaw na lahat. Alam ko din na masasaktan si Mik dito. Ang gusto ko na lang isipin dumating sa puntong matauhan na siya.
Kasi ako? Ok na ako. Magiging ok na ako. Hindi naman agad pero pagdating ng panahon.
Kienna: Are you all sure gagawin natin to?
Joross: Oo naman kens
Kienna: Iniisip ko lang kasi na hayaan na lang natin si Johan ang bahala sa lahat. Wag na tayong makisali.
Jared:Hindi naman tayo makikisali. Kaya nga hahayaan natin sila diba? Mag-usap na wala tayo.
Jeremar: Ingat lang sa words, pre. Babae si Mik.
Johan: Alam ko. Iniisip ko na nga ano sasabihin ko.
Jared: Ok na lahat.
Kienna: Sana maging ok na si Mik :((
Jared: She will be after this.... ang pain mawawala yan ng kusa kapag lumipas ang panahon.
Joross:Oo, hindi naman yan habang buhay. Sana lang...
Jeremar: Sige na, byee guys. Balitaan niyo ko haa.
Johan: Bye.
Huminga ako ng malalim. Naiisip ko na kung anong mangyayari kay Mik.
Sinabihan si Johan na tapatin na si Mikaela. Dahil umaasa yung tao.comfort kay Mikaela.
_________________________________________
Malayo kami sa kanila ngayon. Hindi namin dinig ang pinaguusapan nila pero nagtitiwala ako kay Johan. Wala ngayon si Remar dahil nauna na magbakasyon.
"Nagiging seryoso na ata sila" -Kienna
"Sinasabi niya na.." -Joross
Napansin ko na parang pinipigilan na lang ni Mik na hindi maiyak sa harap ni Johan.
"Punta na ba tayo?" Tanong ni Kens
Lumapit na kami at tinawag ko naman si Mik. Napansin ko na pinunasan niya ang mata niya. Nasasaktan ako para sa kanya....
"Mik!"
"Sige, una na ako, ingat kayo ha" Paalam ni Johan.
"Ako din" Sabi ni Ross.
Napag-usapan namin na kami na lang ni Kens ang kakausap kay Mik o magcocomfort. Hindi mailalabas ni Mik lahat ng nararamdaman niya kapag andiyan yung taong dahilan nito.
Ang sabi ko naman sa kanila. Hindi ako papayag na magiging watak ang pagkakaibigan na nabuo namin. Kapag ok na si Mik, kapag tanggap niya na. Mababalik na yung mga bonding namin magkakasama.
Hindi ka naman kasi makakapagmove on kung nasa paligid mo lang yung tao diba? Depende siguro pero 'yon kasi ang tingin ko.
"Alam niyo bang may sasabihin sakin si Johan?" Tanong ni Mik.
Tumabi si Kienna kay Mik at umupo sa bench.
"Oo, plinano namin 'tong araw na 'to, hindi para masaktan ka pero sa totoo lang naisip ko na mas mabuting sa personal niya sabihin mas makatotohanan at pakiramdam ko mas matatauhan ka" Paliwang ni Kienna.
"Mik, wala kaming intensyon na saktan ka, ang gusto lang namin ay mas mabuting mangagaling mismo kay Johan ang mga salitang nasasabi ko palagi sayo. Hindi ka kasi naniniwala kapag sa iba o sa chat, kaya sinabi ko na sa kanya na aminin kung ano talagang nararamdaman niya sayo "
"We're here lang Mika, if you need us. Sinabi naman namin na kapag ok ka na, babalik ang friendship natin nila Johan. Hindi naman mawawala e"
"We think you just need space kaya lalayo muna si Johan after you get move on to your feelings"
We comfort her. Alam ko mahirap na hindi ka magustuhan ng taong gustong gusto mo. Dama ko 'yon. Magkaiba kami ni Mikaela ng feelings. Kung siya ang hirap niyang tanggapin, ako hindi.
"Salamat, pero uuwi na ako" Tanging nasabi ni Mik.
"Ako na maghahatid" Sabi ko at nagpaalam na si Kens.
I know she just want privacy to cry. Hindi siya 'yung taong gusto umiyak ng may kasama, gusto niya siya lang. Ayaw niyang mahawaan ng kung anong kalungkutan 'yung tao.
Tahimik lang kaming naglakad ni Mik.
Hindi na ako nag-intensyon na magsilata pa at gusto na lamang siya hayaan. Naisip ko lang na kung paano kaya sabihin ko na din 'yung matagal ko ng tinatago sa kanya?"Same lang tayong na Friendzone"Saad ko at napalingon naman siya, iniharap saakin ang nagtataka niyang mukha.
"Sayo..." Saad ko pa
"Anong sinasabi mo diyan?" She asked.
"I like you Mikaela, but you never notice it. Because you always want Johan, Johan Johan Johan x1000. You always want to see him, talk to him, be the reason why he smile. Ang sakit lang na nandito naman ako bakit puro Johan?"
Hindi ko alam bakit ito 'yung sinabi ko. Hindi naman ito yung prinactice ko eh. Mukhang hindi bibig nagsalita mukhang yung puso ko talaga hahaha.
Napahinto siya sa paglalakad. Narerealize niya na ba ?
"Gusto ko na lang maging isang Johan, para maranasan ko na maging dahilan ng kasiyahan mo"
"Pero hindi..... unang araw pa lang ng pasukan may kakaiba na akong nakita sa'yo, nagsinungaling pa ako at dineny ko pa sa sarili ko na hindi kita gusto pero hindi ko kayang magpanggap na wala ka lang para saakin. Ang totoo ay gustong gusto kita"
"Kaya kung maghintay ng ilang taon at panahon para kung pwede na ako una mismong manliligaw sa'yo"
"Pero hindi, nawala lahat ng saya ko nang malaman kung may gusto ka ng iba, kaibigan ko pa"
"I'm sorry..."Sabi niya na ikinataka ko. Sorry? Wala naman siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na hindi niya ako gusto, ok lang naman.
"Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Naiintindihan ko na hindi mo talaga mapipilit ang tao na gustuhin ka 'din"
"Naging ok na ako, naging sapat na saakin 'to, kaibigan. Ok na ako dito, masaya naman ako at nakakasama pa din kita. Pero makita kang nasasaktan sa taong gustong gusto mo, hindi ko kaya..."
"Ang sakit kasi na makitang nararanasan mo 'yung pakiramdam ko nang malaman na hindi na talaga mababago ang nararamdaman mo kay Johan, siya pa rin talaga kahit nandito naman ako"
"Kapag kailangan mo ng kausap andito lang ako, hindi kita iiwasan. Saba'y tayong magiging ok, maglelet go sa feelings natin at magpapatuloy sa buhay, hindi natin kailangan magmadali.."
Bigla ko naman siyang niyakap kasi kumakati na 'yung ilong ko at basa na ang mata ko. Ayokong makita niya 'yon. Ok na naman ako... pero ang sakit pa din pala....
Wala siyang nagawa dahil sa pagkagulat sa pagyakap ko.
"Tara na hatid na kita, pupunta din ako kanila Tita para kuhain pinapakuha ni Mama" Sabi ko na lamang matapos mapunasan ang luha ko.
__________________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Teen FictionPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...