NLA 2 - KABANATA 10

3 2 0
                                    

Bukas na ang year end party namin at ngayon papunta ako sa bahay nila Mikaela para magpractice kami ng kakantahin namin.

Magpeperform kasi kami sa year end party at sabi ko kay Mik na magpractice kami kahit saglit lang.

Matapos kung lakadin papasok sa village nila ay nakadating na din ako sa harap ng bahay nila. Minsan nagpupunta din ako dito kapag tatambay lang kasama 'yung ibang kaklase namin.

Mabait ang mama ni Mikaela noon pa nga lang ng una kung pagpunta dito, parang kailan lang hindi pa ako aminado na gusto ko si Mikaela pero ngayon sigurado na ako.

"Pasok ka, iho"Sabi ng Mama ni Mikaela, tatawagin ko pa lang sana si Mikaela ng lumabas na ang mama nito.

"Sige po"

Pumasok na ako at nakita ko si Mikaela naglilinis sa sala nila.

"Upo ka muna diyan"Sabi nito at umupo naman ako.

"Ano bang gusto mo?" Tanong niya

Ikaw

"Kahit tubig na lang"

"Ayaw mo ng Gin?"

Baliw talaga 'tong babaeng nato.

"Charot"Tumawa ito at kumuha na ng tubig.

"Oh, anong kanta na kakantahin?"Tanong niya

"Hmmm, 'yung kinanta mo sa noong nasa mcdo tayo?"

"Wag na 'yon, hmmm " Nag-iisip ito at..

"Akin ka na lang"

"Sige"Natatawang sabi ko. Sayo na lang ako.

"By itchyworms"Dugtong nito at tumango ako.

"Alam ko naman chords 'non, pero isang kanta pa dahil sabi ng president dalawang kanta daw"

"Ikaw na mag-isip, ano puro ako na lang?"

"Kung Wala Ka by Hale"Sabi ko

"Search ko na lang lyrics hindi ko kabisado 'yon e"

"Akin ka na lang"Sabi ko at napatingin siya ng nakakunot ang noo, halatang hindi gets ang sinabi ko. Ang cute niya pa din.

"Iyon muna ang kantahin natin tutal 'yon ang alam mo" Paglilinaw ko. Tumango naman siya.

Nasa lapag siya nakaupo habang ako nasa sofa kaya naman lumapit ako sa kanya at umurong naman siya ng kunti.

"Bakit ka lumipat doon ka na nga nakaupo e?"

"Syempre ayaw mo atang lumapit saakin kaya ako na lumapit sayo"

Umupo ito sa sofa at umupo din ako, ang gulo ng buhay bg babaeng 'to.

"Game na"Sabi nito.

"Ikaw taya" Biro ko

"Tsk, dali na kasi sabi mo saglit lang 'to"

"May pupuntahan ka ba ? Nagmamadali ka ata"

"Wala, may gagawin lang ako kaya dalian mo na"

Nagsimula na lang akong magstrum. Kumanta naman ito. Ang ganda talaga ng boses niya lalo na ang wangis nito. Ang swerte ng lalaking gusto nito, kaso hindi siya gusto.

Hindi nga ba?

Nakatingin lang ako sa mukha nito at parang may kakaiba na naman akong naramdaman sa puso ko, bumilis ang tibok nito at parang nakaramdam ako ng init, ng mukha.

Hindi ko akalain na magiging ganito ako ng dahil lang sa kanya.

Hindi pa natapos ang kanta bigla itong huminto.

Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now