Weekend ngayon at nandito ako kanila Remar dahil may gagawin kaming kanta. Ilang linggo na ang lumipas at nakabalik na kami sa klase. Ang dami ngang ginawa agad daming pinasa buti Saturday ngayon pero parang ang bilis lang naman ng weekend.
"Pre, kamusta na pala kayo ni Mikaela?"
Natahimik naman ako sa tanong niya, ano bang meron kami ni Mik? Magkaibigan lang naman kami.
"Ok lang, bakit?"
"Gusto ba niya si Johan? Napansin ko kasi na laging sinasabi ni Johan na ang kulit daw sa chat ni Mikaela. Nabasa ko din ang pinagchachat ni Mik"
"Hindi ba masyado ng halata? Itatanong mo pa. Pinagtatakpan ko na nga lang 'yon kay Johan kapag nagtatanong din saakin si Jo. Ayaw ko kasing manggaling saakin yung bagay na dapat si Mik ang magsasabi"
Halatang hindi siya makapaniwala. Mabilis mo lang naman mababasa kilos ni Mik, siguro hindi nila agad nahalata kasi hindi naman masyadong nagoopen up si Mik sa kanila.
Tiyaka ewan ko ba kay Mik kung kailan niya planong umamin. Wala pang pag-amin baka malaman na ni Jo sa kilos na pinapakita niya.
"Kailan pa?"
"Matagal na. Last year"
"Ibigsabihin noong unang gala natin sa kanya noong sa Mcdo, gusto niya na si Jo?"Tumango naman ako.
"Kaya pala..."
"Bakit?"
"Napansin ko na kakaiba siya tumingin kay Johan. Hindi ko lang pinansin akala ko kasi kinikilatis niya lang"
"Ayos lang sayo? Ang ibig kung sabihin ay bakit mo pa sinabi kay Johan na ituloy lang ang pagchat sa kanya parang tinutulungan mo pa siya mapalapit kay Jo?"
Binaba ko muna ang gitara na hawak ko at tinignan ng seryoso si Remar.
"Anong gagawin mo kapag malungkot si Kienna?"
"Papasayahin malamang"Agad na sagot nito.
"Ayon ang ginawa ko kay Mik. Sobrang malungkot siya noong hindi ganoon nagrereply si Jo sa kanya, ganoon naman talaga si Johan maging sa iba pero dahil pinakiusapan ko alam ko na may magagawa ako. Simula ng sabihin ko 'yon kay Jo, nakita ko na ulit 'yung ngiti ni Mik..."
"Iyong ngiting hindi ako magiging dahilan nun"
"Ok na sakin 'yon basta masaya siya kahit hindi ako dahilan ng kasiyahan na 'yon, wala naman ako magagawa e. Hindi ako 'yong taong gusto niya"
Bigla naman ako niyakap ng loko. Takte ang corny niya ha. May payakap isumbong ko kaya 'to kay Kens.
Agad naman akong kumalas sa yakap niya.
"Arte mo pre. Ikaw na nga dinadamayan "
"Hindi ko naman kailangan yan. Sabi ko ok lang saakin, ok lang ako"
"Hindi naman yan sinasabi ng mata mo. Tiyaka pre ilang beses ko na 'yan napagdaanan bago naging kami ni Kens"
"Wala pa naman yan sa pagdadaanan mo pa. Tiyaka ito, wala pa 'to sa marami pang fails, rejection, pain, problems, and challenges na darating sa buhay mo"
"Kaya nga mas ok na ngayon pa lang na ganitong rejection, kailangan mong tanggapin na hindi naman lahat ng taong gusto mo makukuha mo"
"Hindi lahat ng taong mamahalin mo nandiyan parati para sayo. Ang totoong nandiyan parati sayo ay ang sarili mo."
"Ilan taon ka na pre?"
"16, mag17 this year. Bakit?"
"Parang kuya ko kausap ko ngayon. 38 na siya"
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Teen FictionPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...