3 days later
"So pre, kamusta ?" Saad naman nitong katabi ko.
"Anong kamusta, Luri? Ikaw ang kamusta after ng sayaw nawala ka na lang bigla"Sabi ko dito
"Alam mo naman kung bakit"
"Luri, mahihirapan ka magcatch up ng lessons na namiss ko kung puro ka absent. Sabi mo hindi ka naman pinapaabsent ng mama mo diba? Ikaw lang itong nag-iinsist na umabsent"
"Naawa kasi ako kay Mama, sana matapos na 'tong school year. Ang hirap kasi na inaalala ko si Mama. Hindi naman makapag-padala si Papa dahil may problema sa trabaho niya"
Huminga ako ng malalim, iba talaga kapag maayos buhay mo o maykaya tapos kapag nakakita ka ng hindi ganoon kayaman, mapapasabi ka na lang na salamat.
Salamat na napunta ka sa may kayang buhay, kaso 'yung iba masyadong mapagmataas. Masyadong lumaki ang ulo at nakalimot kung ano ang pinagmulan.
"Mik! May program sa baba, 'yung program ata ng Drafting, andon si Johan" Dinig kung sigaw ni Neslyn.
Napalingon ako kanila Mikaela at sinundan sila ng tingin ng lumabas sila ng room at sumilip sa may corridor. Kita kasi doon ang grounds.
"Woaaaaah, Red, ang sakit no'n" Biglang asar ni Luri. Hinawakan pa ang dibdib nito at umaktong nasasaktan.
Nitong mga nakaraang araw ang hirap palang magkagusto sa taong iba ang gusto. Narealize ko na mas dapat pinanindigan ko na lang ang mga sinabi ko noon.
Dapat hindi na lang ako nagkagusto. Kaso wala na, hindi ko na napigilan at tuluyan na akong nahulog sa kanya.
Ang dapat ko na lang sigurong gawin ay huwag umaasa dahil mukhang si Johan talaga ang gusto nito.
"Tara magpasa na tayo kay Sir"Tumayo kami ni Luri at magpapasa ng records kay sir.
Bumaba na kami ng building dahil nasa office daw si sir. Pagkatapos namin magpasa at nakita ko na nasa stage sila Mikaela at magvovote ata sa gawa nila Johan.
Drafting kasi si Johan at may ginawa silang bahay at prinesent nila ito.
"Luri, una ka na sa taas may pupuntahan lang ako"Sabi ko at tumango siya.
Pagkatapos namin bumili ay pumunta na kami sa stage at syempre dinikit na ang sticker vote, sunod naman kanila Johan.
Busy ito nag-aayos ng mga kalat. Pasimple ko lamang siyang tinitigan ngunit hindi niya nalalaman dahil nakatalikod ito.
"Andito din pala kayo" Nagulat naman ako sa nagsalita napatingin ako, si Red lang pala.
"Oo, magvovote"
"Johan!"Tawag ni Red na napatingin ako sa kanya at ganon din siya, napaiwas na lamang ako.
"Support namin 'to, pre diba Mik?"Sabi ni Jared at inakbayan pa ako, ang bigat naman ng kamay nitong pula 'to.
"Ah, o..oo" Inalis ko naman ang pagka-akbay ni Jared.
"Salamat sainyo" Sabi ni johan at ngumiti, ngumiti din ako pabalik.
Napalingon ako at tinignan kung nasaan sila Neslyn nakikipagkwentuhan sa mga dati ata nilang kaklase.
Dinikit ko naman ang Sticker sa board nila at gano'n din si Jared.
"Goodluck sainyo, Johan, sana manalo kayo" Sabi ko
"hahhaaha, salamat"
"Johan, manlibre ka mamaya ahh, bumoto kami sainyo"Sabi ni Jared.
"Hahahaha, sige"
"Sama ka, Mik"Nagulat naman ako sa sinabi ni Jared at napatingin ako dito na nagtatanong "ako kasama? Sigurado ka?"
"Ay, nakakahi---"
"Wag ka mahiya, sama ka na, kakain lang naman sa labas"Sabi bigla ni Johan na nagulat ako.
Ay wow mahiyain pala ha, pero napangiti naman ako dahil kinausap niya ako, shet. Biglang kinilig mga kalamnan ko sa katawan at kasukasuan HAHAHAH.
"Sige"
"Mauna na kami, mamaya na lang ha"Sabi ni Jared at umalis na kami 'don sumunod naman sila Neslyn.
"Hoy, Red, seryoso ba kasama ako?"
"Ayaw mo ba?"
"Gusto pero nakakahiya talaga"
"Sabi nga ni Johan wag ka mahiya diba"
"Sasama saan?"Tanong ni Grace.
"Akyat na pala ako sa taas, hindi pa ba kayo aakyat?" Tanong ko, umiling naman sila.
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Teen FictionPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...