NLA 2 - KABANATA 15

4 3 0
                                    

Kinabukasan, pagkatapos ng fieldtrip ay naisipan kung makipag-ayos kay Johan at kausapin siya tungkol kay Mikaela.

Lumabas na ako ng bahay at sinabi kay mama na pupunta ako kanila Ross. Sinabi ko na din sa kanila ang gagawin kung paghingi ng tawad kay Johan. Sinabi ko naayain si Johan kanila Ross pero wag sabihin na pupunta din ako.

Pumunta na ako  kanila Ross at papunta pa lang daw si Johan. Nakaupo lang ako dito sa may rooftop nila Ross. Narealize ko na namali talaga na nagpakain ako sa galit ko kay Johan at sa selos na din.

"Paano kung may gusto nga talaga si Johan kay Mik?" Tanong ni Ross. 

"Edi magustuhan niya hindi ko naman pagmamay-ari si Mik para bawalan lahat ng lalaking magkagusto sa kanya"

"Andiyan na si Jo"Sabi ni Remar, napalingon kami at nagulat siya ng makita ako.

"May bisita din pala kayo?" 

"May pag-uusapan daw kayo ni Red"-Ross

"Huwag ka mag-alala hindi na ako mananapak" Sabi ko, lumapit naman siya at napangiti.

"Naiintindihan naman kita kung bakit mo nagawa 'yon, ang sakin lang dapat sinabi mo ng maaga"

Ano daw? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Ha?"

"Hindi mo naman sinabi saakin na may gusto pala si Mikaela saakin"

Teka? Umamin si Mik? Kailan? Inalala ko naman 'yong pagbaba nila sa periwheel, doon ba ?

"Sorry sa nagawa ko, pre. Pero umamin na siya sayo?" 

"Oo, kahapon doon sa periswheel. Napapansin ko naman 'yon pero hindi ko iniisip na totoo 'yon. May times na iniisip kung baka gusto niya ako pero ayoko naman maging assumero kaya hinayaan ko na lang 'yon"

"Tapos bigla siyang umamin. Sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko nanatiling tikom ang bibig ko ng mga sandaling na 'yon pero nilinaw ko naman sa kanya na kaibigan lang talaga"

Wala bang siyang gusto kay Mik? 

"Hindi ko alam kung bakit si Janine pa din talaga. Kahit wala naman siyang pakialam sakin. Sa totoo lang napaka ideal ni Mikaela kalog, makulit, hindi mahirap pakisamahan, at napaka bait. Kaso kaibigan lang talaga eh. Ayokong isipin mong nagkagusto ako sa kanya kahit kaunti. Wala talaga kahit inuulit ko ng tanungin sarili ko si Janine pa din ang sinasagot"

Tahimik lang ako. Kapag narinig lahat 'to ni Mik alam kung masasaktan 'yon. Iiyak na naman siya sasabihin na siguro hindi siya kagandahan kay hindi nagustuhan  ni Johan. Sa totoo lang ganoon din naman ako, iisipin ko na siguro hindi ganoon kagwapo kaya 'di niya ako gusto. Nakakababa talaga ng self confidence ang rejection. 

Ang tanging gagawin mo lang ay tanggapin lahat na hindi talaga pwedeng mangyari ang nais nating mangyari kasi hindi naman talaga 'yon ang plano ng buhay natin, hindi siya nakatakda kumbaga. 

Gusto ko na lang umamin kay Mikaela at pakawalan na 'to. Ang hirap kasi parang may tiantago ako sa kanya. Ang hirap na ibabaon ko na lang 'to dapat pakawalan ko na ang nararamdaman ko sa taong hindi naman ako gusto. Tanggapin na hindi talaga siya para saakin.....

"Kailan mo pala sinabi na kaibigan lang talaga turing mo kay Mik?" Biglang sulpot na tanong ni Ross.

"Hmmm kagabi sa chat, hindi na kasi ako nakapagreact noong umamin siya. Nagsisink in pa lang saakin lahat ng sinabi niya"

Aasa pa din si Mik kapag doon niya lang sinabi. Minsan 'yong babaeng 'yon kailangan pang masaktan ng paulit ulit para matauhan eh. Ewan ko ba doon kahit halos isaksak na sa kanya ang salitang "Hindi ka niya gusto" Hindi pa din tumigil. Pero dapat matanggap niya na 'yon.

Hindi ko alam paanong paraan dapat na matauhan siya. 

_________________________________________

Leann: Hello Belles, hindi ko na sinama dito 'yung birthday ni Jared and Mik kasi nasa NLA 1 na siya. Alam niyo na 'yung nangyari don.

Thank you for reading and stay safe always. 💛

Remember you are Loved. 😊💛

Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now