1 month Later
"Ano pre? Gusto mo na nga 'no?" Tanong naman nitong si Luri.
"Noong nagkagusto ako noon sa babae, dinedeny ko din kasi hindi siya 'yung tipo ko talaga. Kaso kapag nagustuhan mo talaga ang tao panget man o gwapo wala man siya sa mga tipo mo. Mawawalang silbi na 'yon, ang iisipin mo na lang talaga. Kasiyahan mo kapag nakikita at nakakasama siya"
Ngayon lang ata nagkasense mga pinagsasabi ni Luri. Minsan lang din siya magseryoso. Puro kasi kalokohan pero ginagawa niya lang naman 'yon para makalimutan ang problema nila.
Pero mabalik nga tayo sa tanong niya, matagal ko din 'tong pinag-isipan gusto kung makasigurado sa nararamdaman ko.
"Tama ka, hindi mo na lubos iisipin pa ang mga tipo mo kapag masaya ka talaga sa kanya at nararamdaman mong special siya sayo"
"Kapag talaga nababaliw sa babae nagiging corny hahahah" Nababaliw sa babae? Pero medyo corny na nga ako.
________________________________________________________________________________________
"Hoy, tulala ka diyan, andito na kami" Nabalik naman ako sa katinuan
Nasa harap ko na nga sila Johan at Remar. Napansin ko na may kasama silang babae. Teka parang familiar ang mukha nito.
"Si Kienna kapitbahay din natin"Pagpapakilala ni Remar.
"Hello"
"Gf mo?" Tanong ni Ross
"Oo" Simpleng sagot ni Remar
Maputi ito at singkit. Hindi naman ako nagulat ng may ipakilala na naman si Remar, hanggang kailan kaya sila magtatagal? Tiyak ako na iiwan din siya niyan, walang nagtatagal kapag nasa maling panahon.
"Tara punta muna tayo saglit sa malapit na ihawan saatin kain muna tayo, sakto naman at friday ngayon" Si Remar.
Naglakad na kami palabas ng school at sumakay papuntang ihawan malapit din sa tinitirhan namin.
__________________________________________________________________________________
"Saan naman kayo nagkakilala?" Tanong ni Ross.
"Gaano na kayo katagal?"
"Kienna, anong nagustuhan mo dito?"
"Tumigil ka nga diyan, Ross. Masyado kang papansin hindi ka lang binalikan ni Trisha" Si Remar.
Nakatingin lang ako sa mga tao sa labas at iniisip pa din 'yung nararamdaman ko kay Mikaela. Hindinpa naman 'to malalim at ayokong lumalim baka sa huli sakit lang maramdaman ko. Hindi ako iiyak sa kanya, kung hindi man niya ako gusto. Madami namang iba diyan o mas mabuting kapag pwede na.
"Lalim ng buntong hininga natin ahh" Saad ni Johan.
"Kapag nagkagusto ba kayo sa babae anong pakiramdam?"
Hindi ko alam bakit ko natanong sa kanila, sigurado na ako pero mas ok na din mas may manggaling sa kanila mas sanay 'tong mga 'to eh, ako lang matino samin.
"Ayon! " Sigaw ni Ross, anong ayon?
"Congratulations!" Achievement ba 'to, Remar?
"Hindi na namin kailangan hulaan kung sino 'yan, Mikaela na agad sagot" Sabi naman ni Johan.
"Ewan ko sainyo"
"Mikaela?" Tanong naman ni Kienna
"Matagal na namin inaasar siya kay Mikaela, hindi daw pala magugustuhan ha, hindi pala bata ha hahhaahaha" Hay nako talaga, kahit kailan Ross.
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Teen FictionPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...