KINABUKASAN
"Uy! Red! Tayo na lang kasi ang partner" Pangungulit pa nitong si Graciel. Hindi ko nga alam jung bakit ako pa ang pinipili nitong maging partner.
"Ayoko, si Mik na partner ko e,"
"Sus! Ediwag!"Sabi nito at nagtaray pa.
Sa totoo lang sobrang saya ko nang maging partner si Mikaela, partner ko sa sayaw sa mapeh. Lagi ko na kasi nahahawakan ang kamay nito, napakalambot.
Tiyaka ayoko na hindi si Mik ang maging partner ko. Ewan ko ba kay Ciel may LQ ata sila ni Ryiel hahahahaha.
Napakatagal naman ni Mik, masesermunan na naman siya ni Ciel. Sumusulyap pa din ako sa may daanan palabas ng lugar na pinagpraktisan namin. Baka kasi andiyan na si Mikaela.
"Red! Ichat mo na si Mikaela, napakakupad na naman, pa special"Utos ni Ciel.
Kinuha ko ang cellphone ko at biglang sumigaw si Lovely.
"Nandyan na si Mikmik!" Kaya napatingin ako kung nasaan naglalakad si Mikaela at... Johan?
Bakit niya kasama si Johan? Mukhang nag-uusap sila. Ano kayang pinag-uusapan nila?
"Ay nako, Red! Naunahan ka pa ata ng kaibigan mo ah" Tugon ni Lovely. Hindi ko naman pinansin 'yon.
Umupo muna ako sa bench at sinulyapan si Johan, may kausap ito kaklase niya ata.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa kanya na alam kung hindi naman dapat pero hindi ko maiwasan. Tuwing inaalala na ngiti ni Mikaela habang nag-uusap sila kanina.
Nasa harap ni Ciel si Mik.
"Grabe, Mikaela, anong oras na?"Sermon ni Ciel.
Tumingin naman si Mikaela sa relo nito
"9:33 am" Sagot nito, pilosopo talaga kahit kailan. Napatingin naman ng seryoso si Graciel.
"Madami pa naman kulang ahh, ako lang ba late? Hindi naman ahh hahaha"Sagot nito ng pabalang.
Madami pa ngang kulang pero dapat wag na siyang gumaya na paspeacial. Dagdag pasaway lang e.
Pumunta naman ito sa tabi ko atinilapag ang bag.
"Kasabay mo si Johan?"Tanong ko.
"Nakasabay ko lang maglakad papunta dito pero sa Tricycle hindi Hahahaha malamang magkaiba kami ng sinasakyan"
Napatango ako at sinulyapang muli sila Johan. Hays, naiinis talaga ako ngayon.
Umalis muna sila Ciel para bumili ng makakain, maaga kasi sila dito. Maaga din naman ako pero nauna sila. Mukhang hindi pa sila nakakakain.
"Nagchachat pa kayo ni Johan?"Tanong ko. Hindi ko alam bakit ko ito tinanong.
Tumango naman siya sa tanong bilang sagot ko."Alam mo ba kanina, ang cute pala ng boses niya charot HAHAHAH"Kwento niya.
Kita sa mga mukha niya ang saya at kilig. Nararamdaman ko din 'yon. Habang ako parang may kung anong bagay na tumutusok sa puso ko.
"Nag-usap kayo?"Tanong ko pa. Halata naman Red, nakita mo na nga.
"Oo, ang aga mo naman pumunta dito bakit hindi kayo nagsabay?"Tanong niya.
"Magagalit si Graciel gusto nga makipagpalit ng partner, partner mo na lang daw si Ryiel at partner niya na lang daw ako" Sagot ko
"Naks, bebe mo si Ciel? Yieeee, pumayag ka?" Biglang asar nito na hindi ko naman maintindihan kung anong nasa isip nito.
"Hindi, ayoko nga mas sanay na ako sa'yo " Sanay ako sayo at gusto ko mahawakan ang malambot mong kamay.
"Ay wow, naiilang ka kay Ciel? May gusto ka sa kanya? Nasabi ni Johan na may gusto ka daw kaso hindi niya sinabi anong pangalan e"
Hindi ko na alam kung ano nasa isip niya, bakit hindi niya maramdaman na hindi si Ciel ang gusto ko kundi siya?
Gano'n na ba siya kafocus kay Johan? At ang tulad ko hindi niya napapansin at nagiging manhid.
Halos mga kaklase namin napapansin na nagkakagusto na ako, ang iba sa kanila kapag nagtatanong tinatanggi ko na lang. Hindi naman sila nakikialam e.
"Hindi ako naiilang ayoko lang, wala akong gusto" Sabi ko na seryoso.
"Weeehhh, bakit sabi ni Johan? Tanong ko pa ba sa personal? Tawagin ko pa ba?"
Sabi? Sinabi niyang may gusto ako?
"Baliw lang talaga 'yon mema sabi lang naman" Tanggi ko pa
Napatingin naman ako kay Johan, mamaya ka lang talaga sakin. Ano na naman pinag-usapan nila ni Mik?
Bumalik ako ng tingin kay Mik, napansin na napapangiti ito. Bakit?
"Bakit ka napapangiti?"Biglang tanong ko at umiling lang siya.
Nagsidatingan na din ang mga kaklase namin at sinimulan na ang practice.
__________________________________________________________________________________
Nandito kami ngayon sa bahay nila Johan, nakikitulog. Minsan nagpaplano kaming makitulog talaga sa kanila Johan o minsan kanila Joross.
"Pre, kamusta na pala kayo ni Mikaela?" Tanong ni Remar sakin.
"Bakit? Ok lang naman"
"Walang sila ni Mik" Singit ni Ross.
"Johan, may itatanong pala ako sayo" Sabi ko at napalingon naman siya sakin, nagcecellphone kasi ito nanonood ata ng kdrama.
"Ano 'yon?" Tanong niya at pumunta dito sa kama nasa sofa kasi siya kanina
"Kanina, sinabi ni Mikaela na nasabimmo daw sa kanya nanmay gusto ako, sinabi mo bang siya?"
"Hindi, sorry pre hahahaha nabanggit ko lang sa kanya wala na kasi akong masabi e"
"Sana hindi mo na sinabi ang tungkol do'n hinayaan mo na lang muna si Red ang umamin"Sabi ni Remar
"Wala naman talaga akong balak sabihin 'yon kay Mikaela, nabanggit ko lang na may taong gusto ka. Akala ko naman wala siyang pakialam do'n"
"Wala naman talaga" Sabi ko
"Pre. Mas mahirap saakin'
"Iniisip ko na balikan si Trisha kaso hindi na gano'n kasaya ang magiging relasyon namin panigurado dahil sa nangyari sa relasyon namin noon"
"Alam mo, Ross. Mas mahirap pa din makabawi sa grade mo kung tatamad tamad ka diyan tapos inaatupag mo pa ang pakikipagrelasyon" Saad ko.
Nagiging walang pakialam na siya sa pag-aaral niya at puro sariling kagustuhan na lang ang inaatupag.
Hindi maganda na relasyon ang inuuna. Ang pag-aaral mahirap ng makahabol kapag hindi ka naging pasado at hindi na makapag hintay. Ang relasyon andiyan lang naman 'yan makakapaghintay.
"Ayan na naman si Papc Red"
"Para din naman sa ikakabuti mo, puro ka kasi kalokohan"Saad ni Johan.
"Gayahin mo kasi ako kami ni Kienna pero hindi naapektuhan ang pag-aaral ko"
"Illegal naman kayo" Tugon ni Ross.
Sabi ko sainyo kami lang ni Johan ang matino dito e. May mga pagkakataon talaga na nakakagawa ka ng mali kasi 'yong mali na nagagawa mo 'yon ang kasiyahan mo. Hindi mabuti 'yun dapat ang kasiyahan mo ay tama.
Kaya ako kung maging si Mikaela man ang magugustuhan ko sa pagtanda kaya kung maghintay ng tamang panahon para maligawan siya.
Ang utos din saakin ng magulang ko na dapat kung mahal mo ang isang tao maghihintay ka kahit gaano man katagal basta laging nasa tamang panahon.
Walang tamang tao sa maling panahon. Kapag nasa tamang panahon ka na do'n ka na makakahanap ng tamang tao para sayo.
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Teen FictionPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...