Sinuot ko ang uniporme ko, unang araw ko ngayon sa school bilang grade 9 student. Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako ng aking kwarto.
"Red, mag-baon ka ng kanin at ulam para hindi ka na makipagsiksikan sa canteen niyo, unang araw pa naman ngayon baka magsiksikan kayo sa canteen"
"Sige po, Ma"
Hindi naman ako nagugutom, ok na nga sakin ang biscuit lang pero itong si Mama masyado akong binababy kaya pinagpapabaon niya ako.
Ayoko naman tanggihan dahil nag-effort si Mama magprepare tiyaka kaklase ko pa naman ang kaibigan ko last year na laging nakikihati sa baon ko. Wala daw kasi silang pera para makapagbaon kaya nga naaawa ako sa kaibigan ko na 'yon kahit minsan may pagka-lokoloko.
"Ma, alis na po ako" Paalam ko at isinukbit ang bag ko.
"Ingat, Red"
Pumunta naman ako sa intayan namin ng kababata ko kasi Saba'y sabay kaming papasok kahit hindi kami magkaklase.
"Red!" Lumingon ako, si Remar at Ross pala. Jeremar at Joross ang buo nilang pangalan pero Remar at Ross tawag namin sa kanila.
"Pre!" Ito naman si Johan. Simula bata pa lang kami magkakaibigan na kami, dito din ang bahay namin.
Sumakay na kami sa Tricycle at nagbayad. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school at pumasok.
"Excited na naman si Johan makita ang bebe niyang si Janine" Asar na tugon ni Ross.
"Ediwow, ikaw nga baka maiyak ka pag nakita mo si Trish" Balik na asar ni Johan.
Matagal na kasing may gusto si Johan kay Janine simula Elementary pa, napakaloyal ng tropa namin e no. Si Ross naman ay ex niya si Trish, last year sila nagbreak, last school year. Ako naman ay nanatiling single at wala akong nagiging crush, parang pambata lang kasi 'yon.
"Sabay na lang tayo mga erp sa uwian ha" Saad ni Remar kaya tumango na kami.
Magkabuilding sila ni Johan at kami ni Ross ang magkabuilding.
"Pre, wala ka bang ikukwentong babae samin?"
"Ewan ko sayo puro ka Babae, mag-aral ka nga"
"Nag-aaral naman ako ahh"
"Sus, pasang awa? Alam mo kailangan mong umusad sa buhay mo, ipakita mo kay Trish 'yung bagong ikaw. Mag-aral ka ng mabuti magkaroon ng achievements, hindi naman masama maghangad e"
"Opo, papa" Umiling na lang ako, ginagawa na naman niyang biro mga pinagsasabi ko.
"Sige, dito na ako" Sabi ko sa kanya.
Thirdfloor kasi ang room ko at fourth floor sa kanya.
Hinanap ko naman ang Room 02 - 9- Kaesar.Pumasok ako at umupo ako sa may gilid banda at medyo sa likod.
"Red!" Sakto andito din pala nakaupo si Luri, yung sinabi ko kanina na lalaki na kahati ko sa baon ko.
"Kamusta na? Ayos ba bakasyon niyo?"
"Oo, kayo ?"
"Sa bahay lang kami e, tiyaka dapat nga hindi ako makakapasok ngayon kaso pinilit lang ako ni Mama"
"Bakit naman?"
"Kailangan ng katulong doon sa palengke magtinda e,"
"Mas mahalaga pa din ang pag-aaral, pre kaya buti pumasok ka"
Naalala ko noon medyo absenero pala 'tong si Luri, dahil sa kahirapan nga nila at noong last year nga lang namatayan ng kapatid dahil hindi kaya mapagamot.
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Novela JuvenilPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...