1 week later
Masaya naman ako pumasok sa school at dahil maganda ang mood ko medyo maaga akong pumasok. Pagkapasok ko sa Room nagulat ako at andito na si Mikaela, ang aga naman pala nito.
"Mik!" Tawag ko dito. Hindi nman niya ako pinansin.
Lumapit ako sa kanila at nadinig ang sinabi ni Karina.
"Hindi ka na niya nirereplyan? Diba sabi mo nagrereply naman si Johan sayo?" Saad ni Karina.
Alam ko na kung bakit parang malungkot at may kakaiba kay Mikaela dahil pala sa hindi siya nireplyan ni Johan. May mga nakilala din ako na mga babaeng nagkakagusto kay Johan at hindi talaga nirereplyan una pa lang.
Nireplyan lang ni Johan si Mikaela, dahil alam niyang gusto ko ito at gusto niyang maging kaibigan din naman ito. Pero dahil sa natanong ko about doon sa pagchat nila akala siguro akala ni Johan nagseselos ako.
Nagseselos ako oo pero hindi ko naman kontrolado kung sinong gusto niyang kausapin. Nagiguilty naman ako na hindi dapat pero mukhang kasalanan ko ata na na malungkot si Mikaela.
"Oh, Red"Saad ni Karina na napansin atang nakatayo ako sa harap nila.
"Anong maeron?"Tanong ko sa kanila
"Diba kaibigan mo si Johan?"
"Oo"
"Hindi kasi niya nirereplyan si Mikaela"
"Sinabi ko naman kasi sayo Mik, may ibang gusto na 'yong tao. Hindi talaga siya minsan nagrereply sa ibang babae" Sabi ko at tumabi sa kanila.
"Nakikipagkaibigan lang naman, masama ba 'yon?" Kaibigan? Nagpapatawa ba siya.
"Kaibigan lang ba talaga ? O baka hakbang mo 'yon para mapalapit sa kanya?"
"Ay nako, Red. Malamang 'yon ang dahilan" Bakit naman si Karina ang sumagot?
"Mik, sa ginagawa mo alam mo kung anong mapapala mo sa ganyan?"
"Ano?"
"Masasaktan ka lang kung ipipilit mo ang taong ayaw sa'yo"
"Red, paano mo nalaman na ayaw sa kanya ni Johan? Hindi pa nga niya nakikilala si Mikaela e, ayaw na agad?"
"Karina pwede ba, hindi ka nakakatulong. Pinapahamak mo lang si Mikaela"
"Sabi ko nga tatahimik na"
"Kung gusto mo maging kaibigan siya---"
"Tutulungan mo ako?" Tanong niya
"Hindi ko pa alam, pag-iisipan ko pa kung paano kita matutulungan"Sagot ko
"Huwag ka na malungkot diyan, parang hindi ka lang nireplyan hahahha"
"Tsk. Ewan ko sayo!" Sabi niya at tumayo bumalik sa upuan niya ganoon din ako dahil andiyan na pala si sir.
________________________________________________________________________________________
"Alam mo Johan, replyan mo lang si Mikaela. Tiyaka sabi niya gusto niya maging kaibigan mo kasi nga diba parehas kayong kpop fan" Sabi ko kay Johan
"Ok, pero hindi ko maipapangako na palagi kasi hindi na ako madalas mag-online"
"Basta hayaan mo lang siya"
"Imbitahan mo kapag may gala tayo"Sabi ni Johan.
"Basta hindi ka magseselos, pre" Biglang singiti ni Remar. Napakatagal naman ni Ross bumaba sa room nila kanina pa uwian nila ha.
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako - PART 2 (COMPLETED)
Teen FictionPart 2. (Jared P.O.V) Si Jared Quinar ay may pagkagusto sa kanyang kaklase mula nang magkakilala sila, ngunit hindi umamin si Jared noong una, ngunit pagkatapos ng mga linggo ay sa wakas ay napagtanto niya na gusto niya ang babaeng nagngangalang Mik...