AMININ
Tahimik ang buong biyahe pauwi. Namamaga pa rin ang aking mga mata sa kakaiyak. Nakasandal ako sa bintana ng bus pabalik ng Maynila. Isang araw na ang nakalipas mula noong hinanap ko ang tunay kong mga magulang.
Pagkatapos sa sementeryo ay bumalik na kami sa bahay nina Aling Lucia at nagpaalam. Nag check-in muna ako sa malapit na motel, habang binalik ni Felix ang kotse ng kanyang kaibigan.
Binalikan ako ni Felix pagsapit ng hapon at sabay na kaming bumiyahe pauwi.
"Liv, you okay?" bulong niya pagkatapos magising sa sandaliang idlip.
"Yeah, just a bit cold.." ani ko at nilipat ulit ang pwesto ng aircon at pilitang itinapat sa kanya.
"Here, let me.." ani niya at sinara niya ng buo ang aircon, dahilan upang hindi din siya matamaan.
"Good?" tanong niya..
"Yeah quite.." ani ko.
Dahan dahan niya akong inakbayan at sinandal sa kanyang mga braso.
"Dito ka nalang, para hindi gaanong malamig." Bulong niya.
"Hmmmm okay.." ani ko at mas lalong lumapit sa kanyang dibdib.
He smells nice. Really nice.
Makalipas ang ilang oras ay ganoon lamang ang aming pwesto.
Nakasandal ang buong katawan ko sa kanya habang ang ulo niya ay nakasandal din sa akin at tuluyan kaming natulog sa buong biyahe pabalik.
Pagkadating sa Cubao ay hinintay namin si Kuya Mark upang sunduin ako.
"Paano ka pala uuwi?" tanong ko kay Felix.
"Sasakay nalang ako taxi or commute ulit.." ani niya.
"Pwede ka naman sumabay sa'min." alok ko sa kanya.
"Nah, it's okay. Pagod ka, kaya mas maigi pang dumiretso ka ng uwi." Bilin niya.
"Are you sure?" ani ko.
"Yes, I'm sure." Ngiti niya at sabay gulo sa buhok ko.
"Thank you, Felix. For everything." Bulong ko upang siya lang ang makarinig.
"It's okay, I'm glad I got to help you in some way." Ani niya.
"You did.." sabi ko.
Nagkatitigan kami, bago pa ako makapagsalita ulit ay narinig ko na ang busina ng kotse.
"Nandyan na si Kuya Mark, sige I'll go now.." paalam ko.
"Okay, ingat kayo ha. Text me when you get home." Ani niya.
"I will, thank you ulit." Paalam ko at niyakap siya.
Niyakap niya ako pabalik, mahigpit at mainit na yakap ang binigay niya sa'kin. As if he was trying to let all the pain out of my system.
Pagkabitiw ko sa yakap ay nginitian ko siya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko, pero hinalikan ko siya sa pisngi.
Nagulat siya sa aking ginawa, ngunit ngumiti na lamang siya at natawa ng bahagya.
"I'm sorry... I have.. to go.." nahihiya kong sinabi sa kanya at binilisan ang pag-alis.
Agad niya akong nahabol at hinila ako sa braso at agad sinabing..
"It's fine, nabigla lang ako. Ingat ka, Rose." Ani niya at hinalikan ang likod ng palad ko.
Nawa'y hindi niya nakita ang pamumula ng aking pisngi agad na din akong pumasok ng kotse at binati si Kuya Mark.
Sumilip ulit ako sa kanya at nakitang nakatingin pa rin siya sa sasakyan bago pumara ng taxi.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)
أدب الهواةA story based on the hit song of The Juans. Para sa mga pinagtagpo, pero hindi tinadhana. First book of the Broken Heart Series. Sa mundong puno ng mga katanungan, marami ang nagtataka kung kailan nila mahahanap ang mga kasagutan. Isa ako sa mga ta...