PINATAGPO PERO DI TINADHANA

17 1 0
                                    

PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA

Habang sinusundan ang taxi na sinasakyan ni Felix ay tila ayaw pa rin tumigil ng mga luha ko. The feeling came bursting all in one go. Masyadong mabigat yung mga salitang sinabi ni Felix. I couldn't believe it.

May pa sulat pa siyang note na he'll always love me, but this isn't love at all. Walking away from me, hurting me like that.

There's clearly something wrong. Marupok na kung marupok but in the months I knew Felix he isn't like this. He wouldn't hurt anybody like this.

Kaya hangga't hindi ko pa nalalaman kung bakit, hindi pa ako bibitaw.

Bibitaw ako kapag alam kong talo na ako at wala na akong magagawa, pero kung meron pa, ipaglalaban ko pa rin kung anong meron kami.

Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi ko na alam kung nasaan na kami, we were still behind Felix's taxi.

Lumiko yung taxi papasok sa isang maliit na kalsada.

SInundan naman ito ni manong driver, tumigil ang taxi ni Felix at bumaba na siya ng sasakyan.

Inabot ko ang bayad ko kay manong driver at sinundan na agad siya.

He entered a gate na sa likod ay may small apartment unit.

Is this where he lives? It was a two-storey apartment building.

I always thought he'd live near a garden, or a small park. I didn't see Felix to be the city type of guy especially in this small building.

Nasa harap na ako ng maliit na gate, all I had to do is knock.

I knocked three times.

Then that's when he came out of the building. His eyes also look tired from crying. He was hurt too.

"Liv? Ano ginagawa mo dito?" tanong niya halatang nagulat sa aking biglang pagpunta.

Binuksan niya ang gate at agad ako pumasok.

"Sinundan kita, kasi hindi ako naniniwala na may mahal ka nang iba!" depensa ko I was back to my frustrated and angry self.

"Hindi mo ba maintindihan? Ayoko na Liv! Tama na!" sigaw niya.

"Ganoon na lang ba Felix? Pagkatapos ng lahat, itatapon mo nalang?" tanong ko.

"Oo." Sagot niya, there was no hesitation in his voice. He was sure of it.

"Sa ginagawa mong 'to parang hindi mo naman talaga ako minahal." Sigaw ko kasabay ang muling pagpatak ng mga luha ko.

"Mahal kita, kaya kita pinapakawalan kasi mahal kita!" rason niya.

Wala na akong pake kung sino man ang nakakarinig sa'min ngayon, I wanted to hear the truth from him.

"Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan, hindi mo ako susukuan!" pilit kong pinaalala.

"Susuko ako kasi alam kong mas may nararapat para sa'yo, at hindi ako yon." Banggit niya.

"Felix pwede ba huwag mo ako itaboy!" pagmamakaawa ko.

Tinalikuran niya ako habang pinunasan ang mga luhang nasa mukha niya.

Hinawakan ko ang balikat niya para iharap siya.

"Felix, sandali." Hila ko sa kanya.

"Liv, hindi tayo pwede. Tama na." sambit niya at binitawan ako.

"Bakit hindi? Kasi ano may mahal kang iba? Felix hindi totoo yun, kaya mo lang yan sinasabi para magalit ako sa'yo, para sukuan kita. Pero guess what hindi mangyayari 'yon. Dito lang ako hindi—" bago matapos ang aking sasabihin ay pinutol na niya ako at tsaka hinarap.

Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon