BIGAT

35 2 2
                                    

BIGAT

Saktong isang buwan na ang nakalipas mula noong hinanap ko ang record ko sa orphanage. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung nahanap na ba nila ang record ko.

Ilang araw din naming pinag-usapan ni Felix ang The Juans. Sobra na kaming na-hooked sa kanila, lahat ng mga kanta nila grabe yung sakit at bigat na pinaparamdam. Feeling ko tuloy we're both "Juanistas" na.

My favorite would have to be Umaga because after every struggle, the morning will always follow. Darating talaga ang umaga. Umagang puno ng pag-asa. While Felix really loves Hatid, it reminds him of his Papa and their time together.

Isang buwan na din mula noong nalaman kong magka-relasyon si Kuya Mark at Shaina. I even told Shaina what I did to Kiefer kasi I thought they were a thing, but she said it was okay since the guy still deserved it.

I'm not against Kuya Mark and Shaina. Their age difference is only three years apart and I think there's nothing wrong with that. Kuya Mark is like a big brother to me since we knew him since he was still a kid together with Mang Sol.

Nawala ang mga iniisip ko nang tawagin na ako ni Nanay Esther upang kumain sa baba ng tanghalian.

Mommy and Daddy weren't there since they went to work, so it's just me and Nanay Esther.

"Nak, oh favorite mo. Tapsilog, tapos pinagtimpla pa kita nung suka para mas masarap yung tapa." Ani ni Nanay habang inilalagay ang tapa sa aking plato.

"Salamat nay, alam mo talaga kung paano ako pasiyahin." Ngiti ko sa kanya.
"Bakit malungkot ka ba? MAsama ba pakiramdam mo?" biglang alala niya.

"Hindi po nay, okay lang ako. Naguguluhan lang siguro.." ani ko.

"Saan?" tanong niya.

"Kung sino ba talaga ako, wala pa rin po kasing balita tungkol sa records ko, yun nalang ang makakasagot sa mga katanungan ko, yun nalang yung paraan para makita ko yung tunay kong mga magulang." Sabi ko.

"Hintayin nalang natin anak, mahahanap din nila 'yan. At kapag nakita mo na, tutulungan kita hanapin ang tunay mong mga magulang.." ngiti niya.

"Thank you, Nay.." sabi ko.

"Sige na, kumain na tayo.." aya niya at nagsimula na kaming kumain ng tanghalian.

Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto para maligo.

Biglang nag-ring ang aking telepono.

0920 676 2167

Unknown number, agad ko naman ito sinagot.

"Hello po?" bungad ko.

"Hello, Good afternoon po, Is this Ma'am Olivia?" tanong nung taong nasa kabilang linya.

"Yes po, how can I help you po?" tanong ko pabalik.

"Hi Ma'am ako po si Sis Josie sa orphanage, we're pleased to say that we found your record po and that it's ready to be released na po." Ani niya.

"Hala thank you! Finally, is it okay kung daanan ko later?" tanong ko.

"Yes po ma'am, we're open naman po until 5pm." Ani niya.

"Thank you po Sis Josie, see you later. Thank you po talaga!" paalam ko.

"No problem ma'am, sorry po for the delay. But we're glad we've helped you." Sabi ni Sis Josie.

"Thank you po ulit.." paalam ko at binaba na ang tawag.

Answered prayer, Lord! Pinag-uusapan palang namin ni Nanay kanina tapos eto na! Finally! The answer to all my questions.

Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon