DITO NA LANG
Clearly the next day I was determined to see Felix this time. No way I was going to go home without seeing him. It's been exactly ten days since we last saw each other.
Pagkatapos ko kumain ng almusal ay nagligpit muna ako ng ibang mga gamit na dadalhin ko sa opisina bukas. Sa sobrang pagka-busy ko sa kakahanap kay Felix I forgot to decorate my table. Walang kadating dating. Decorating is kind of like my stress reliever I feel at ease when I get to décor something.
Agad na din akong naligo at nagbihis para makapunta na ako sa orphanage.
It's currently 1:30 in the afternoon, mamaya nalang ako kakain ng lunch total late naman na din ako nag-breakfast.
Nagpasama ako kay Kuya Mark just in case na wala pa rin si Felix and that I needed a ride going home. Pero happy thoughts, nandoon na si Felix and that we'll talk about what really happened.
Pagka-park ni Kuya Mark ay bumaba na ako at agad pumasok sa orphanage.
Agad kong nakasalubong si Sis Mara.
"Dumaan na siya, kakaalis lang. Pero sinabi ko na matagal mo na siyang hinahanap. Bigay ko daw sa'yo 'to." Bungad ni Sis Mara, tila nag-aalala.
"Po? Bakit hindi nalang niya ako hinintay dito?" tanong ko.
"Hindi ko din alam, basta ang bilin niya ibigay ko nalang daw 'to sa'yo." At sabay abot ng nakatuping papel.
"Thank you po.." sabi ko.
"Kung ano man yang pinagdaraanan niyong dalawa, sana malagpasan niyo at magkaunawaan kayo." Bilin ni Sis Mara bago tuluyang umalis.
Naiwan ako sa labas at tinignan muli ang papel na pinaabot ni Felix at binuklat na ito.
"My Rose,
I'm sorry I made you wait. I didn't want to hurt you so I decided to be far as possible. I'll tell you everything in the right time. Just know that I will always be your home."
I realized I was already crying by the time I finished reading the letter. What the hell, Felix? A small note? Is this you breaking up with me? Because if so, this isn't the right way to do it.
Binalot ako ng sakit pero mas lamang yung galit.
Ganon-ganon na lang ba?
He doesn't want to hurt me, kaya ano? Sa maliit na papel niya nalang gusto tapusin lahat?
This isn't him. There must be a problem.
I dialed his phone number, after four attempts he still wouldn't answer.
I was getting frustrated, I didn't know what to do.
Then it happened.
My phone was ringing and the caller was no other than Felix.
Bigla akong napatigil, hindi na alam kung ano ang gagawin.
Should I answer or ignore him? Just like what he did these past few days.
I sighed and answered his call.
"Rose.." bungad niya. Damn I missed his voice.
No Liv, bibigay ka naman agad.
"I'm sorry.." dugtong ni Felix.
"Felix, ano ba talagang nangyayari?" tanong ko, bakas sa aking tono na umiiyak ako at tila naguguluhan.
"Talk to me, hindi pwedeng ganon ganon lang! Ano sa tingin mo sa dali kong makuha ganon na din ako kadaling bitawan? Felix please!" hikbi ko habang naririnig ang mabibigat niyang paghinga sa kabilang linya ng telepono.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Broken Heart Series #1)
FanfictionA story based on the hit song of The Juans. Para sa mga pinagtagpo, pero hindi tinadhana. First book of the Broken Heart Series. Sa mundong puno ng mga katanungan, marami ang nagtataka kung kailan nila mahahanap ang mga kasagutan. Isa ako sa mga ta...