II

10 2 0
                                    

"MAGANDANG UMAGAAA!!" pinakauna kong sambit pagkagising. Nag unat unat muna ako at inayos ang aking higaan.

Sana naman di na ako malasin ngayon..

Pumunta agad ako sa banyo at nagmumog, inayos ko na din buhok ko atsaka tumingin sa salamin sabay pose

Pak!

Ang ganda ko talaga...

Habang nag aalamodel ako sa tapat ng salamin ay narinig ko na naman sila Ate Sheila at Kuya Alan na nag aaway.

"HOYY ALAN TANDAAN MO! AKO AT SI RAE LANG ANG NAGPAPAKAIN SA ATIN!" lakas ng boses ni ate nagsilbi na naman alarm clock sa kapitbahay " HANGGANG NGAYON WALA KA PA DING TRABAHO?! ANG SABIHIN MO TAMAD KA LANG!" bumaba na ako para naman maawat na sila pero may punto naman si ate nakakapagod din na kami lang ang nagtatrabaho samantalang si kuya na lalaki walang ginagawa. " MAHIYA KA SA KAPATID MO! WALA PANG JOWA DAHIL SA KAKAASIKASO SA ATIN! SA KAKAASIKASO SAYO!" naabutan ko si ate na sobrang laki na ng bunganga at pulang pula na ang ilong

Hayy nakakapagod na..busalan ko kaya butas ng ilong ni ate? HAHAHAHA!

"Kuya ayusin mo naman kasi wag lang puro asa lalo pat ikaw ang lalaki dito"mahinahon kong sabi pero halata ang pagkainis

Kinuha ko si Alesha anak nila ate at kuya sabay kurot sa siopao na pisngi nito. Buti na lang andito tong batang to nakakawalang pagod.

Nag ayos na ako papunta sa trabaho at habang inilalagay ko sa alkansya ko yung nakuha ko kahapon na tip sumulpot naman si kuya sa may pintuan.

Ayy sabi ng wag malasin, minalas ako kaagad..

Nag abot agad ako sakanya ng singkwenta. Ganon naman kasi siya eh maaalala lang ako kapag may kailangan.

"Salamat bunso ah, pero malayo ata mararating ko ngayon sa paghahanap ng trabaho... kulang yata ang singk-" sabi ni kuya na nagpapuppy eyes pa

Sundutin ko yang mata mo eh

Inabutan ko ng bente pa. Di ako makakapag ipon neto eh gusto ko pa naman na ngayong buwan na maisakatuparan yung pangarap ko na magtravel kahit ba sa malapit lang tapos nauubos lang ni kuya pera ko. Umalis na si kuya ng di ko tinatapunan ng tingin.

Hayy buhay parang...

maya na nga lang wala ako maisip na irhyme

Pagpasok sa trabaho'y kita agad ang napakarami na namang nakauniporme pangtrabaho.

Tiba tiba na naman si boss..

Nagmadali ako pumunta sa likod at nagpalit nung uniform namin

"Magandang Umagaa!"bati ko kila tope at jun na nagmamadali sa paggawa. Ngumiti sila pabalik kaya pumunta na ako sa counter.

"Gandang Umaga, Sunshane!" masigla kong bati kay ate gurl binati niya din ako pabalik pero hindi tinapunan ng tingin kasi busy sa kakaasikaso sa order ng mga customer.

Di naman ako late..pero andami ng tao...

Nagsimula na din akong magtrabaho. Buti na lang kaya ni shane mag isa kanina.

Maya maya lang bumuhos ang ulan. Karamihan sa customers napatingin sa labas at yung iba naman napailing.

Tumanaw naman ako sa labas at sabay nun ay may biglang pumasok na eksena sa utak ko. Tutulo na sana luha ko dahil sa alaalang iyon sa ilalim ng ulan kung di lang ako tinapik na shane ng nakangiti.

Isang napakanormal na araw iyon sa trabaho, walang masyadong ingay dahil na rin sa dalang lungkot ng pagbuhos ng ulan.

"Shane" tawag ko

"Hmm?" sagot niya sabay lingon sa akin buti na lang walang dumadating na customer, lahat lumalamon kaya magkakachikahan kami

"Ba't kaya ganon nakakalungkot kapag umuulan?" tanong ko ng nakanguso

"Di ko din alam pero minsan dinadama ko na lang, masarap din sa pakiramdam eh" sagot niya " oy tsaka di naman palagi, minsan nakakatuwa ang ulan" sagot niya ng nakangiti
" Wag mo na yun alalahanin, past na diba" sabi ni shane sa akin na ang tinutukoy ay yung napakalungkot na pangyayari sa buhay ko dahil sa ulan.

"Rae" tawag sakin ni shane

Lumingon ako sakanya at napapikit dahil sa flash mula sa cellphone niya.

Piste.. akala ko pa naman normal na araw lang..

"IDELETE MO YAANN!" nanggagalaiti kong sabi habang pilit na nakikipag agawan sa cellphone pero si ate gurl tawa pa ng tawa at biglang binato yung selpon sa kung saan.
Nang tingnan ko kung saan iyon napunta nandun si tope habang tumatawa

" Ahhh Magkakampi kayo? kaya pala tahimik niyo kanina" sabi ng nanlilisik ang mata habang pinagtatawanan pa din. Nakisali na si Jun sa tawanan

" BABAWI AKO! MATITIKMAN NIYOO ANG BATAS NG ISANGG APIIII!!" sabi ko with facial expression at umaakting na napaluhod habang ginagaya yung eksena ni Amor Powers sa Pangako Sayo.

Nagsibalik kami sa trabaho ng may pumasok na mga customer pero di pa rin tumitigil si shane sa pagtawa.

Makikita niyo...

NATAPOS na ang shift ko pero sabay sabay kami lumabas ng shop kasi Friday ngayon at ang sabi ng boss ay pwede kaming magsara ng maaga kapag Sabado kinabukasan tutal day off namin ang weekends. Ang bait talaga ni boss.

Nagkayayaan na magliwaliw kaso naisip ko sa bahay baka wala pang nagluluto kaya pass muna ako.

Habang naglalakad papunta sa waiting shed pumatak ang ulan kaya dali dali akong tumakbo papunta dun pero nabasa pa rin ako kaunti.

Napatingin ako sa sapatos ko na may konting dumi.

Bat ba kase ako nagwhite shoes..

Tinitingala ko lang ang langit habang patuloy na pumapatak ang ulan at naalala ko na naman yung eksenang yon na nagpabago sa buhay namin ni kuya.

Pinangiliran ako ng luha pero agad kong winaksi sa utak ko ang naisip at nagisip na lang ng kanta para madistract ako.

Buhos lang ulan
aking mundo'y
lunuri-

Napalingon yung ibang dumadaan sabay palihim na tumatawa at yung iba nama'y umiwas at kunwaring kumamot sa loob ng tenga.

Mga feeling na to pumiyok lang eh...

Kala mo naman ang peperpek...

Makaisip na nga lang ng ibang kanta...

Siniguro ko munang walang tao sa paligid at pumikit ako para bumwelo sa pagkanta

Cause i set Firee to the rain
watch it pour into the flame-

Biglang nagflash ang paligid at kumulog ng malakas parang di sumasang ayon sa pagkanta ko

Suss feeling naman ng langit ganda ng boses..

Tumingala ako sa langit at kumulog ulit kaya napaatras ako baka kasi kidlatan ako dahil sa boses ko mahirap na, sayang lahi ko.

Akma akong kakanta ng Ulan ng Aegis ng biglang kumulog ulit ng malakas

Edi wag mga choosy...

.............................................................

Tampisaw (Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon