VIII

3 2 0
                                        

Ang refreshing hayyy...

Andito ako malapit sa dagat sa lilim ng isang puno at nakatulala lamang habang ineenjoy ang napaka-calming na view ditto sa Nagsasa Cove. Si Ulap andon sa cottage susunod na lang daw kasi papalit daw siyang pang-swimming. Hindi ko pa trip magswimming.

Gusto ko muna magpahinga...

Kung saan saan naglalakbay ang isip ko hanggang mapunta ako sa tagpong iyon.

Siguro dito ko na lang ilalabas lahat...

Ipinikit ko ang aking mga mata at tumingala habang dinadama ang simoy ng hangin at ang sinag ng araw na nakalagpas mula sa mga dahoon at sanga ng punong kahoy.

Ano ba Rae..iyakin ka talaga..

Patulo na yung luha ko ng makaramdam ng sakit sa noo. Idinilat ang mata at nasilayan ko yung simple niyang ngiti. Nawala ang mga guhit sa noo ko ng makita ko siya.

Bakit parang slow motion...

Bakit parang lumalabo...

Pati yung tunog ng paligid parang nakukulong at tanging tibok ng puso ang namamayani..

Ipinikit ko ang mata at nagulat sa nakita.

Kuya Alla...

Ipinikit ko ulit ang mata dahil baka namamalik mata lang ako nang nakita ko ang batang inaalagaan dati nila mama.

Gutom lang ata ito..

Iwinaksi ko sa isipan ang nakita dahil si Ulap lang naman ang nakikita ko ngayon. Atsaka..

Matagal ng patay si kuya..

"HOII, ULANN!! Ayos ka lang ba? Para kang tanga kanina HHAHAHHA.." Pang aasar ni Ulap.

Sabi na imposible na nakita ko si kuya Alla..magkalayo sila sa ugali psh..

Patuloy pa rin siya sa pagtawa ng sinuntok ko ng mahina yung braso niya.

"Ano iniisip mo?" Pagtatanong niya na mahihimigan ang pag-alala kahit inasar niya pa lang ako.

"Huh, talaga lang ah? Matapos mo ko tawanan psh.." Pagtataray ko sakanya saka ibinaling na ulit ang paningin sa dagat. Lumingon ulit ako sakanya sabay tingin sa kabuoan niya para makita ang suot niya sa pagligo.

"Matutunaw ako niyan.." Kinurot ko yung braso niya dahil namumuro na siya sakin.

"Alam mo..epal ka..Nandito ako para magrelax tapos sisirain mong asungot ka.." Sabay amba sakanya. Tumawa lang siya at tumigil din matapos ang ilang segundo.

"Hindi ka pa maliligo?" Paguumpisa niya ng usapan. Napalingon ako sakanya at may cute na ngiti ang nakaplaster sa mukha niya habang nakatingin din sa akin.

"Mamaya na.." Pagsagot ko kasabay ng malalim na buntong hininga. "..gusto ko lang muna damhin ang lugar..Napakakomportable kasi, susulitin ko lang.." Pagbabahagi ko ng rason kunnng bakit wala pa akong ganang lumangoy.

"Okayyy..pero paano mo maeenjoy ang lugar kung tutunganga ka lang diyan?" Pagsasabi niya na kinokontra ang aking desisyon na umupo at magmuni-muni.

panira talaga..pero may point naman siya...

Tumayo na ako at naglakad papunta sa cottage na inupahan ni Ulap.

"YEYYYY!! Malulunod kitaa!!" Pagsigaw sigaw niya habang humahabol sakin sa paglalakad.

Tinungo ko na lang ang cottage at nagbihis ng pangswimming. Liningon ko si Ulap na andon sa may upuan sa labas ng cottage na ngiting ngiti.

Tampisaw (Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon