Prologue

20 3 5
                                    


Magtampisaw sa ulan
tila walang pakialam
sa mga tao sa paligid
o kung tayo'y lalagnatin

Tumakbo palayo
Taas kamay at hawak mo
makikisilong kina manong
at magkukwentuhan tayo

Pabulong kong kanta habang sinasabayan ang pagpatak ng ulan.

Hay, sabi nang mag overtime na lang eh ayan tuloy rush hour. Umuulan pa, wala pa naman akong payong.

Lumingon lingon ako nagbabakasakaling may nakakarinig sakin nakakahiya di pa naman maganda ang boses ko.

Buti na lang walang tao kaya medyo nilakasan ko boses ko. Sa gusto ko ifeel ang kanta eh napaka cheerful ng tono.

Isa.. Dalawa, Tatlo
Tayo ay tatakbo...

Sinasabayan ko ng konting head bang at tumalon ng onti pagkarating sa chorus. Di ko napansin na may tubig pala sa tinatapakan ko kaya may mga tumalsik

"Ano ba yan nadumihan tuloy sapatos ko puti pa naman" sabay punas sa sapatos na parang maaalis dun yung dumi..

Ng malapit na akong matapos sa pagsintas, may napansin akong isang lalagyanan ng gitara sa left side ko. Kinapa ko yun at nalamang may laman iyong gitara kung kaya't inilapit ko saakin kasi sayang naman kung mababasa.

"Magtampisaw sa ulan tila walang pakialam sa mga tao sa paligid.."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig na kumanta sa likod ko. Ang lamig ng boses na nagpanginig sakin sinabayan pa ng ihip ng hangin.

Mabagal akong lumingon habang nakayuko at nakita ang pares ng puting sapatos na dirty white na ang kulay at isang box na basa at puno iyon ng mga gamit..

Lagot...

.......................................................................

Tampisaw by This Band

Tampisaw (Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon