IX

2 0 0
                                    

"AAHH!!!" buong lakas na sigaw ko dahil sa pagtulak sa akin ni Ulap papunta sa parang lawa kung saan naiipon ang tubg ng waterfalls. Kanina pa kami ditong naliligo mga dalawang oras na at katatapos lang din namin magtanghalian.

Gago talagaaa..papansin hmp..

Dali dali akong umahon papunta sa lupa dahil nilalamig na ako sa bunga ng matagal na pagbabad sa tubig kanina. Konti na lang din ang taong nagpaiwan para maligo pa.

Apakalamig ng tubig.. Apakafreshh...

"Alam mo Ulap, papansin ka..Sabihin mo na lang kasi na crush mo aako para tayo na agad.." dire-diretso kong saad matapos kong makalapit sa lugar kung saan nakalagay ang gamit namin. Tinawanan niya lang ako dahil sa sinabi ko.

"Ikaw ah..may pagnanasa ka pa rin sa akin Ulan..HahAhahha" pagsasabi niya na mayroong malisyosong tingin na nakatuon sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay saka binalot ang sarili sa tuwalya.

"Oi Ulan...balik na ba tayo? Sobra ka ng nanginginig oh.." pagkausap niya sa akin na may kasama pang pagturo sa tila umaaalonng tuwalya na dulot ng panginginig ng katawan ko.

"wao..sinong nanghulog sa akin? Kung yung gagong nanghulog sa akin di tinuloy yung demonyo niyang plano edi sana hindi ako nilalamig diba?" pagsabi ko na punong puno ng sarkasmo.

Itinuon ko ulit ang paningin sa paligid. Nakakarelax na tanawin ng mga puno na sinasabayan ng rumaragasang tubig mula sa falls at ang huni ng mga ibon sa paligid.

Paraiso.. gash ganito ang tirahan ng mga diyosa..dito na din ako maninirahan total diyosa din naman ako..

Napansin ko ang tuktok ng falls at nakitang may daanan papunta doon. Nilingon ko si Ulap at nakitang tulala din siya sa pagtitig sa kapaligiran.

Nice idea again Rae...

Lumapit ako sa tubig at kumuha ng tubig at saka ibinigwas kay Ulap.

Gising munting Ulap...HAHAHAHA..

Napatayo si Ulap dahil sa ginawa ko at tila nahimasmasan mula sa pagkakatulala.

"Malamig ba?" Pagtatanong ko in a casual way na parang hindi ako ang salarin sa pagkabaasa niya. Himala ata na di niya ako sinamaan ng tingin, sa halip ngumiti na lang siya at napailing. Kinuha niya ang kanyang tuwalya at saka..

"Anong kailangang ng baby at nagpapapansin kay daddy?" Pagsabi niya na nakapag-pabigla sa akin.

B-baby?? D-dadyy??

Lupa lamunin mo na ako! Darna!

Wala na akong nagawa kung hindi mamula at saka yumuko upang itago ang pagmumukha. Iniangat ko ang aking kanang kamay at saka siya sinuntok ng mahina. "..gago.." pagsabi ko ng mahina. Ginulo niya lang ang buhok ko.

"Ano sasabihin mo?" Mahinahon niyang pagtatanong sa akin na parang wala siyang sinabi kani-kanina lang. Itinaas ko na ang aking mukha mula sa pagkakayuko at nabibiglang napalaki ng mata dahil nakaupo siya at magkalapit ang mga mukha namin.

"A-ahm..a-anoo..Dun s-sana oh..g-gusto kong pumunta sa taas.." Pagkakasabi ko ng nahihiya habang nasa gilid ang paningin at nakaturo ang kamay sa daanang nakita ko kanina.

Pakshet..paktay..hinuhulog ako ng gago..

"Okayy as you wish" pagsang-ayon niya sabay alok ng kamay sa akin upang alalayan akong tumayo. Aabutin ko na sana ang kamay niya ng binawi niya ito. "char..kaya mo naman tumayo mag-isa" pagsasabi niya matapos bawiin ang alok na pagtulong. Nagpupuyos ang kalooban ko dahil ang paasa niya.

Tampisaw (Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon