Malapit na ako sa bahay ng maaninag ko si alesha sa may labas na may dalang malaking bag. Dali-dali kong pinuntahan si alesha kahit na iika ika dahil sa taeng naapakan.
Kadiri talagaa...
"Baby?? Alesha babe, san ka pupunta? Kanino yang bag na dala mo?" Mahinahon kong tanong matapos maupo sa katabi ni alesha.
Kahit si alesha naaapektuhan ni kuya..
Nangunot ang noo ni alesha matapos ko magtanong at umaktong parang may sinisinghot.
"Bakit? Ano naaamoy mo?" Tanong ko sakanya kasi para na siyang tanga sa kakasinghot sa hangin.
"Ate naman eh, amoy tae ka kaya.." nakapout pero nandidiri niyang sabi habang nakatakip ang kamay sa ilong matapos tumayo at lumayo sakin
Aba ang arte nitong batang ito..
Umupo na ulit siya pero hindi na tinanggal ang takip sa ilong at ang pandidiri sa mukha
"..kasi ate..kanina nung umalis ka nag-usap si papa at mama.." pagkukwento ng bata at siyempre chismosa tayo
"Oh, ano napag-usapan? narinig mo ba? share mo naman.." iritang tumingin si alesha saakin
"Ate, patapusin mo muna ako..sisingit singit eh nag eemote na ako.." sabi niya pero pabulong yunh huli. Hinayaan ko na lang kesa naman hindi niya ikwento. ".. Pakatapos nila -usap eh ayun nagpunta si mama sa kwarto tapos pinagkukuha yung mga damit." Matapos sabihin iyon ay tumingin siya sa akin ng may nagbabadyang luha
"Ate..." malungkot at paiyak ng sabi ni alesha "..maghihiwalay na ba sila mama at papa?" at hindi na nga niya napigilan at umiyak matapos itanong sa akin iyon.
Hindi ko maisip kung anong tamang sabihin dahil di ko naman alam kung ano ang napag-usapan nila kuya.
"Alesha.. hindi maghihiwalay si mama at papa okay? Siguro magbabakasyon lang kayo ni mama at maiiwan si papa para magtrabaho.." mahinahon kong sabi kay alesha para di na siya mangamba.
Yayakapin ko na sana si alesha ng itulak niya ako ng marahan sabay iling at sabing 'mabaho ka ate'
Hmp..edi wag..
Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa CR para maligo nang matanggal ang mabahong amoy at maiwasan ang pagkakasakit. Pinuntahan ko sa kwarto nila kuya si ate. Nakita ko siya tulala sa picture nilang mag-asawa nung kinasal sila sa huwes.
Hmmm..kailan kaya darating sakin..
"Ate she.. aalis daw kayo?" Mahinang tanong ko kay ate. Humarap siya ng may tipid na ngiti at lungkot sa mata. Nakayuko siya habang hawak pa rin yung picture.
"Rae...Pupunta muna kami ni Alesha sa probinsya ah.." sabi ni ate habang sumisinghot singhot pa. Naiintindihan ko naman si ate kaya okay lang naman sakin. Kaso..
Si Kuya...
"Ate she, okay lang naman na magpunta kayo sa probinsya muna..naiintindihan ko naman..kaso balak ko din sana magpahinga din muna ate...inaalala ko lang si kuya dito.." pagpayag ko kay ate at pagsabi na din sakanya ng plano ko simula bukas.
Nakita ko ang saglit na awa sa mata ni ate at mukhang naiiyak na naman.
"Si ate she talaga napakaiyakin.." sabi ko ng natatawa pa sabay yakap sakanya.
"Rae..Basta wag ka susuko ah.. Alam ko pagod ka na.. kahit di magsabi sa akin dahil ramdam ko..Alam ko na di ka pa nakakalaya sa nakaraaan iyo ng kuya mo.." pagkasabi non ni ate bigla na lang bumuhos ang luha ko..na matagal ko ng kinikimkim..

BINABASA MO ANG
Tampisaw (Soul Series #1)
NouvellesRae-n..pangalan ng isang simpleng dilag na masayahin at masipag. Mabait, masunurin at responsable sa pamilya. Palagi siyang makikitang nakangiti at tumatawa pero di niya matatago ang dilim sa mata. Ang lamlam nito gaya ng makulimlim na panahon sa ta...