NAKAUWI na ako sa bahay pero nandun pa rin kay kuya jeje ang utak ko.
Hayss..mapapakanta ka na lang..
In another life
I would make you stay
So I don't have to say you were
The one that got awayWao.. ang feeling HAHAHAHA
The one that got away daw pero di ko pa nga nakausap ng matagal.. baliw ka talaga Rae...
Pero nakakapagtaka kasi ang tahimik ngayon ng bahay. Kaya naglibot ako sa bahay at nakita si ate sheila na umiiyak sa may kainan habang nakakandong sakanya si alesha na para bang pinapatahan siya.
Ano na naman kaya napanood nitong k-drama at umiiyak pa..
"Oh ate anyare? Asan si kuya? May pagkain na ba? sunod sunod kong tanong sakanya habang naghuhubad ng sapatos sa may sala. Nangunot ng noo ko kasi di man lang sumasagot si ate.
HAHAHAAHA may naiiisip na naman ako, hays kitakits na lang tayo sa ibaba..
Kinuha ko yung dalwang takip ng kaldero sa kalan at saka pinag umpog malapit sa tenga ni ate sheila.
"HAPPY NEW YEAR ATE SHEILA! GISING NA! DI KA JOJOWAIN NIYANG SI SONG JOONGKI!"
Pero di natinag si ate at mas umiyak pa lalo. Maging si alesha umiyak na din kaya napagtanto kong seryoso ang kung ano mang iniiyakan ni ate. Kumuha ako ng pamunas at saka binigay kay ate sheila at saka nagpunta sa kusina at nagsaing. Nagbukas na lang din ako ng sardinas kasi tinatamad na akong magluto.
Umupo ako sa katabi ni ate sheila at saka ko kinuha si alesha sa pagkakakandong sakanya.
"Anong nangyari ate?" seryoso kong tanong para malaman na kung anoang iniiyakan niya.
"Ang kuya m-mo.." pahina ng pahina ang pagsalita niya noon kaya kinabahan ako at saka nag-alala
"Ano si kuya ate? Wag mong sabihing nambabae, eh ang pangit non!"
Umiling iling si ate, sinasabing di naman nambabae si kuya. Yun lang mas umiyak pa si ate..Siguro mas ok pa sakanya kung nambabae si kuya..
"Ano nga kasi ate? Pasuspense ka masyado" medyo naiirita kong tanong sakanya.
Sa wakas inangat niya din mukha niya..
Pfftt..Nakadrugs ata si ate HAHAHAHA.. Sinubukan kong wag matawa sa itsura ni ate kahit halata ang pamamaga at pamumula ng mata nito. May lumalabas din na sipon at laway.
"Yung kuya alan mo.." Di ko na alam kung maawa or matatawa kasi pumapasok na sa bibig ni ate yung sipon niya. "..inubos lahat ng pera kong inipon tapos may kinuha pang pera di ko alam kung saan..." Dun nawala ang pagtawa ko sa isip kasi di naman nangunguha talaga ng pera si kuya. "..ang sabi niya kailangan niya daw kasi balak niyang mag-ibang bansa..WAAAHHH!!" Medyo napanatag ako dun kasi maganda naman pala ang balak ni kuya kaya di ko naiintindihan kung bakit sobra ngumawa si ate..

BINABASA MO ANG
Tampisaw (Soul Series #1)
Short StoryRae-n..pangalan ng isang simpleng dilag na masayahin at masipag. Mabait, masunurin at responsable sa pamilya. Palagi siyang makikitang nakangiti at tumatawa pero di niya matatago ang dilim sa mata. Ang lamlam nito gaya ng makulimlim na panahon sa ta...