KAGABI ata ang unang gabi na nakatulog ako na hindi lumilipad sa kung saan saan ang utak ko.
Ang gaan talaga.. parang nasa Ulap feeling ko kahapon..
Ulap na naman..
At dahil sa naisip ko napalingon ako sa loob nung maliit na silid ng cottage habang andito ako sa upuan sa labas ng cottage. Ayon si Ulap nag-aayos ng mga gamit niya kasi papunta na kami sa Anowangin naman.
"..ang gwapo.." nasambit ko nang di namamalayan.
"hmm..you're really into me ah?" Nagulat ako dahil nasa harap ko na pala siya at halata namang narinig niya ang nasabi ko kanina.
NANAMAN?!! RAEE!!
"Ha?! Anong gwapo?? Sabi ko GAGO! Hmp.." pagbabawi ko sa nasabi ko kanina. Ngumisi lamang siya saka ginulo ang buhok ko. "..hindi ako aso.." pag angal ko sa ginawa niya habang nakapout at naka cross arms. Tumawa lamang siya at saka pinisil ang ilong ko.. "..cute.."instant namang namula ang mukha ko at yumuko para maitago ito. Tumayo ako at pumasok sa kwarto para ilabas ang aking gamit na inihanda ko pa kagabi.
"Tara na nga!" pagsabi ko na halata ang inis sa tono sabay lakad paalis ng cottage at tanging halakhak niya lang ang naririnig ko.
NAG-AANTAY ako dito sa may silong ng puno kay Ulap na ibinibalik na yung susi sa cottage na nirentahan. Nakita ko na siyang naglalakad ngunit halata ang pagkakakunot ng noo habang may kausap sa cellphone.
"Ano yun? May problema? Tumawag girlfriend mo? pakikiusyoso ko at para na rin malaman kung walang sagabal sa lovelife ko.
Ehehehehe
"It's my family..they want me back in Manila na..there's something I was tasked to do.." pagsisiwalat niya kung ano nakapag-pakunot ng noo niya kanina. ".. I need to go back.. but I'm still having fun..with you" di ko na narinig yung kasunod ng but pero wala na akong pake dun.
"Okay lang sakin if uuwi ka na..i had fun naman already.. sabay na lang ako sayo?" pag-aaya ko para masulit yung possible last time na magkakasama kami.
"..pero..you're having a vacation..sayang naman.." halata ang panghihinayang sa mukha niya pero nangiti lang ako.
"Okayy nga lang..tsaka worried na din ako kay Kuya Alan and ayokong umabsent sa work ng matagal... so pwede makisabay?" dagdag ko.
Mag-yes ka fliss..
"..Okay..but we're going somewhere muna before we drop off sa pundaquit to go home.." pag sang-ayon niya sa alok ko na labis kong ikinatuwa. "..besides di mo pa ako natutugtugan..remember? you're payment for the tent?" pagpapaalala niya sa usapan namin nung unang araw namin dito sa Nagsasa Cove.
Hanla..akala ko pa naman mauuuto ko siya dun sa pastrum strum lang..
Tumango na lang ako at nagpatianod sa pagkakahila sa akin patungo sa isang bangka. Hila-hila niya ulit yung maleta ko kaya tanging backpack at gitara lang ang dala ko. Hindi ko alam kung saan pupunta kaya hinayaan ko lang si Ulap na makiusap sa mga bangkero na naroon sa pampang.
Uuwi na...baka talaga last na to na magkasama kami...
Napasimangot ako sa kaisipang iyon.
"..awtssu.." pag-angal ko sa ginawa niyang pagpitik sa aking noo.
"Tulala~ Si Ulan tulala sa kakaisip sa akin~" pakanta niyang sabi habang naglalakad na papunta sa isang bangka na inihahanda na ng bangkero.

BINABASA MO ANG
Tampisaw (Soul Series #1)
Short StoryRae-n..pangalan ng isang simpleng dilag na masayahin at masipag. Mabait, masunurin at responsable sa pamilya. Palagi siyang makikitang nakangiti at tumatawa pero di niya matatago ang dilim sa mata. Ang lamlam nito gaya ng makulimlim na panahon sa ta...