NAKASAKAY kami ngayon ni Ulap sa isang bangka na hanggang apat lang ang sakay. 1200 pesos ang bayad para sa pagsakay pero para sa apat na katao na daw yun. Mabuti na lang at may nakita kami ni Ulap kanina na sasakay din sana pero dalawa lang din sila, kaya eto hati hati kami sa fare.
Ang boring...
Di ko pa rin makausap ng maayos si Ulap dahil dun sa nasabi ko sa traysikel.
Gash ka talaga Rae..
Naisipan ko na magmusic na lang at saka matulog para di ko na mapahiya pa ang sarili ko kung kakausapin ko ulit si Ulap. Kandong kandong ko ang backpack habang nakaipit sa binti ko ang gitara na sinasandalaan nung maleta. Kinuha ko sa bag yung earphones pati phone ko.
Walang signal..Kamusta na kaya si kuya..
Sa di mawaring dahilan, Tampisaw ang unang nagplay. Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita ni Ulap. At dahil don napalingon ako sakanya na may ngiti na pala sa labi.
Nabigla ako pagkalingon ng nakatingin din pala siya sakin na parang kinakabisado ang mukha.
Oi assuming ka self..
"..ganda.." Di ko man masyadong narinig pero nabasa ko ang galaw ng labi niya kaya't pinamulahan ako ng mukha. Umiwas ako ng tingin saka ibinuhos ang atensyon sa kantang pinakikinggan.
Nakatingin sa kalye
Ang bagal pa ng b'yahe
Patungo sa ating tagpuan
Biglang umambon pero mahina lang at saka maaraw pa din naman kaya hindi ako nabahala kahit nasa dagat kami.
Naiinip, naiinis
Ang bagal ng andar
Pwede bang konting bilis?
Dali na, manong drayber
Naalala ko yung nangyari noon sa waiting shed.
Yung pagkanta ko ng sintunado..
Yung gitara..
Yung mga kulog na di sumasang-ayon sa pagkanta ko..
Si Ulap..
Si Ulap...
Napalingon ulit ako sakanya at naabutang nakatingin siya sakin sabay tipid na ngumiti.
Si Ulap..gago..
Sinuklian ko na lang yung pagngiti niya saakin saka bumalik sa pagtaanaw sa tubig.
Nakakapagtaka talaga..di ko man lang napansin na may tao na pala sa likod ko nun..
Maulan noon kaya sigurado akong maririnig ko kahit papaano ang paglakad niya palapit..
Kunot noo ulit akong lumingon kay Ulap at naabutan muling nakatingin siya sakin saka kiinunot ang noo na parang nagtatanong.
Ilabas ang chips, fries and dips
Sabay nating uubusin
At pagkatapos nu'n ay tatayo't magbibilang
Saka ko lang napansin ang hawak hawak niyang chips at softdrinks in can.
Dalawa yan ah..
"Nag-abala ka pa..Salamat ehe" Pagsabi ko kay Ulap sabay hablot sa chips at isang softdrink na hawak niya habang itinataas baba ang kilay at nakangisi. Tila nagitla siya at hinayaan na lang ako sa ginawa ko.

BINABASA MO ANG
Tampisaw (Soul Series #1)
Cerita PendekRae-n..pangalan ng isang simpleng dilag na masayahin at masipag. Mabait, masunurin at responsable sa pamilya. Palagi siyang makikitang nakangiti at tumatawa pero di niya matatago ang dilim sa mata. Ang lamlam nito gaya ng makulimlim na panahon sa ta...