Chapter Twenty Three

7.8K 263 27
                                    

Behatti's pov




Nakasandal ako sa upuan ko habang nakatingin sa bintana kung saan siya madalas tumambay. Nasa opisina ako ilang linggo na din ang lumipas.

"Hoy Behatti! Senti nanaman? Kung nag papakita kana edi tapos na ang drama n'yo." Sita sa'kin ni Jerry. Lunch time na at dinalhan niya ako ng lunch.

Tumingin ako sa kaniya habang nilalabas niya ang mga pinamili niya. Napangiti ako ng mapait. Naalala ko nanaman siya, laging siya ang kasabay ko.

"Wag kang iiyak. Tatamaan ka talaga nitong kamao ko. Ikaw makaka virgin." Banta sa'kin ni Jerry. Pilit akong ngumiti sa kaniya.

Sa ilang linggo ko kasing pag tatago ay siya ang lahat ng nakaka alam ng pag hihirap at pangungulila ko kay Blaze. Buti nalang at hindi niya sinabi kay Blaze na sa bahay niya ako tumutuloy.

"Hindi na ako iiyak." Mahina kong saad.

"Abay dapat lang. Kung maka ngawa ka para kang batang inagawan ng lollipop. Mas matindi pa ngawa mo ngayon kesa nung na--"

"Stop! I don't want to remember her.." Sigaw ko. He looked at me and shook his head.

"Nga pala, pumunta nanaman si Blaze dito. Naka salubong ko. Mabuti at napalitan mo ang passcode ng office mo, kita ko kasing sinubukan niyang buksan."

"Talaga? Pumunta siya dito? Kanina? Anong oras?"

"Oo nga, paulit ulit. Kani kanina lang kala ko nga nag kita kayo eh. Umiiyak kasi nung umalis eh." Sumikip ang dibdib ko sa sagot ni Jerry.

Hanggang ngayon hinahanap niya parin ako? Hindi ba siya susuko?

I smile, she's really determine to find me. Mahal niya nga siguro ako.

"Baliw ka ba? Kanina paiyak kana ngayon nakangiti ka diyan. Sinapian ka ba?" Nag tatakang sita ni Jerry sa'kin at pinitik pa ang noo ko.

"Bakit ka ba namimitik? May naalala lang ako eh!" Irita kong saad sa kaniya at hinimas ang noo kong pinitik niya.

"Kala ko kasi nasasapian ka nanaman." Pangangatwiran niya.

"Kumain ka na nga lang dito imbes nag sesenti senti ka diyan. Lalamig yung pag kain." Yaya niya sa akin. Napasimangot ako at walang ganang nag tungo sa sofa para kumain.

"Besh may tanong ako.."

"What is it?" Walang gana kong tanong habang iniikot ikot ang pag kain ko. Wala din akong ganang kumain.

"Bakit ayaw mo pang mag pakita kay Blaze? I mean, I get it that you're guilty but that was years ago. At tsaka don't you think it's time for her to know everything?" Seryoso nitong tanong.

Napaisip din ako.

Kung tutuusin ay pwede ko namang sabihin sa kanya ang lahat at tanggapin ang magiging resulta nito. Pero sila Tita ang inaalala ko. Baka din bumalik ang sakit niya kaya pinilit kong itago ang mga nalalaman ko.

"Soon Jerry, sa taman--"

"Tamang panahon nanaman? You said that everytime. Kaylan ba talaga ang tamang panahon ha? Pag pumuti na ang uwak or pag naging itim na ang buwan?" Putol niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bahala ka nga diyan. Nawalan na ako ng gana." Saad ko sabay irap sa kaniya.

"Sus! Sisisihin mo pa ako sa pag ka wala ng gana mo eh kanina ka pa kayang walang gana...ay hindi pala kanina, nung isang linggo pa. Echosera 'to." Ismid nito sa'kin na siyang ikinairap ko ulit sa kaniya.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon