Chapter Forty Four

5.7K 198 11
                                    

Blaze's pov



Ngayon na ang labas ko ng hospital at iniintay daw namin yung babae para maka uwi na kami. Bagot na bagot na ako at gustong gusto ko ng umuwi. Asan na ba kasi ang lecheng pa VIP na babaeng iyon eh.

"Blaze iha. Okay lang ba sayo na sa bahay muna mag stay para may mag bantay sayo? Wala kasi ang parents mo, nasa new york daw para sa isang business trip eh." Saad ni Tita Clara na kakabalik lang galing labas dahil tatawagan niya daw sila Mommy.

"How about Ate Blake, Tita? Wala rin po ba siya sa bahay? I'm sure she can look after me." Nakangiti kong saad.

Namutla si Tita at namawis ang kaniyang noo.

"Tita okay ka lang?" Tanong ko ng nag sisimula na ding mangatal ang kamay niya.

"Ahmm.. Blake is not here anymore Blaze.." Mahinang saad ni Tito.

"What do you mean? Where is she? Bakit hindi siya nag pasabi na aalis siya?" Malungkot kong tanong sa kanila.

"Uh..s-she's..ahmm.. D-de--"

"Now is not the time for that." Rinig kong bulong ni Alexandra kay Hillary.

"Huh? Time for what?" Tanong ko at nag palipat lipat ng tingin sa kanilang lahat.

"Ah..w-what I mean is.. Ahm.." Kinakabahang sagot ni Alex kaya't lalong napakunot ang noo ko.

"What's wrong?"

"Blake is not here with us because she's de--"

"In abroad! Nasa abroad siya, Oo." Putol ni Hillary kay Choleen at sinamaan ito ng tingin.

'They are acting really weird.' I thought as I look at them.

"Nasa abroad? Kailan? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi man lang siya nag paalam sa'kin?" Nag tatampo kong sagot sa kanila.

"Kasi ano..kasi biglaan.." Sagot ni Chase.

"Just tell her, para hindi na kayo mahirapan mag sinungaling." Sabat ni Choleen kaya lahat kami ay napalingon sa kaniya.

"Now is not the time for that. Tsaka nalang pag mentally stable na siya, baka hindi niya kayanin at mas lumala pa ang kalagayan niya." Sagot ni Tito kay Choleen.

"So we're gonna keep a secret from her again?"

"It's for her own good." Tugon ni Tito kay Choleen.

"Anong pinag uusapan niyo?" Taka kong tanong. I have a feeling that they are talking about me.

"Nothing iha, just some case that Choleen is handling right now." Nakangiting saad ni Tita but I can see that her smile is a forced one.

"Okay then. So when did Ate Blake left? May iniwan ba siyang note sa'kin? Did she know that I am in the hospital? " Sunod sunod kong tanong. Nag tinginan sila at parang nag tutulakan pa kung sinong sasagot sa'kin. Tahimik lang naman si Choleen sa tabi at parang malalim ang iniisip.

"Ahm..matagal na. Yes, she knows pero hindi siya makaka uwi basta basta eh. " Sagot ni Hillary sa'kin.

"Hmm..sayang naman. Namiss ko pa naman siya."

"Kami rin, miss na namin siya." Malungkot nilang saad.

"Hey it's okay! Pwede naman nating tawagan eh." Nakangiti kong suggest.

"Sana nga pwede siyang tawagan kasi ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. " Sagot ni Choleen na ikinalingon ko sa gawi niya.

Hindi ko alam pero meron akong nararamdaman na kakaiba. Like something isn't right in here. Na parang may tinatago sila sa'kin.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon