Behatti's pov
I hum and flip the folder that I'm holding. Binabasa ko ang kaso ng isang kliyente ko. Nag aalanganin kasi akong tanggapin ito dahil walang sapat na ebidensya baka madehado pa ang kaso at matalo kami.
May kumatok kaya nabaling sa pinto ang atensyon ko. Pumasok si Jerry habang nakangiti at may dalang tumbler.
"Oh tag isa tayo. " Saad nito at nilapag sa harapan ko ang kulay purple na tumbler. Nag tataka ko siyang tiningnan.
"Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya at sinipat ang tumbler.
"Duhh, edi kape. Ano pa bang nilalagay sa tumbler tinapay!?" Pabalang nitong saad.
"Leche kang bakla ka nag tatanong ako ng maayos." Irita kong tugon dito. Hinawakan ko ang tumbler mainit init pa nga ito.
"Para kasing tanga yung tanong mo." Pangangatwiran ni Bakla. Hindi ko nalang ito pinansin at humigop sa kape na dala niya. Napangiti ako, kasing lasa kasi ito nung ginagawa ni Blaze sa'kin lagi.
"Saan galing 'to?" Nakangiti kong tanong.
"Kay Bebe mo. Dinaan niya kanina, hindi ka daw kasi nag almusal." Sagot nito kaya napangiti ako. Hindi ko din kasi siya nasundo dahil late nadin ang gising ko at mas nauna pa siyang umalis sa bahay nila sabi ni Tita kaya hindi kami nag kita kanina. Hindi ko alam na dinaan niya pala 'to.
Wala kaya siyang pasok? Mag aalas dies na kasi ng umaga eh.
"Actually may kasama yang tinapay kaso nagutom ako kaya kinain ko na yung isa dalawa nalang natira oh." Sabi ni Jerry at nilapag sa harap ko box ng tinapay. Nginitian ko siya.
"Okay lang."
"Infairness masarap yung tinapay. Saan kaya niya binila yan? Plain lang kasi ang box eh. "
Sinuri ko naman ang box at may nakita akong sticky note na naka dikit sa ilalim.
-- I bake this for you. Wala yung teacher ko sa dalawang subject kaya nakapag bake pa ako.
I smile at her note. She's so thoughtful kahit galit siya sa'kin.
"She baked it. Ang sarap mag bake ng bebe ko noh." Pag mamayabang ko kay Jerry.
"Talaga? Paano mo nalaman? " Pang uusisa nito. Pinakita ko naman sa kaniya yung note ni Blaze.
"Wow, daming talent ng bebe mo ah.. Sus kung hindi lang ako bakla at straight lang yang bebe mo jojowain ko talaga yan." Turan ni bakla at parang tangang kinikilig kilig sa naiisip niya.
"Buti nalang talaga at bakla ka at baliko siya, kundi mag kaka kumpetensya talaga tayo." Nakangiti kong sagot dito at napailing nalang sa kaniya.
"Hmm..buti nga."
Kumuha ako ng tinapay at kinagat iyon. Ang lambot at sakto lang ang pag kakatamis. I smile while I chew on the bread that she made.
My phone beep kaya binaba ko ang tinapay kong hawak at tiningnan iyon. Nag text si Bebe ko.
*
From: Bebe ni Behatti.-- Do you like the bread? Ubusin mo lahat yan ha.
**
To: Bebe ni Behatti.
-- I did. It's perfect, just like you.
**
Napangisi naman ako sa reply ko sa kaniya.
Haish, dahil sa batang to natututo na ako nang tinatawag nilang hokage moves. That kid is really gonna be the death of me.
BINABASA MO ANG
The Fuckgirls Adventure
RomanceWhen the Destiny makes a move, you can't do anything but to follow... What will happen if the immature playgirl meets the cold hearted bitch? Mababago kaya nila ang bawat isa? O mananatili nalang sa nakagawian nila? At paano pag nabunyag ang mga li...