CONTINUATION OF FLASHBACK.
*****
Yakap yakap ni Behatti ang sarili habang pilit lumalayo kay Blake.
"Blake, you're drunk and I told you. I'm not ready yet." Saad ng dalaga sa kasintahan. Alam niyang gusto nitong makipag siping sa kaniya pero hindi pa siya handang isuko ang kaniyang bataan.
"Isang taon na tayo Behatti at laging yan ang sinasabi mo." Daing ni Blake kay Behatti at yamot na umupo sa pag kakahiga.
"Dahil hindi pa naman talaga ako handa!" Giit niya kay Blake. Ito ang madalas nilang pag awayan. Laging sinusubukan ni Blake na makuha ang kaniyang pinaka iniingat ingatan pero hindi niya ito maibigay sa hindi malamang kadahilanan.
"Minsan iniisip kong hindi mo ako mahal." Mahinang saad ni Blake. Napatingin si Behatti sa kasintahan at tumawa ng mapakla.
"Dahil lang hindi ko maibigay ang gusto mo iisipin mo na agad na hindi kita mahal? Kung yun ang iniisip mo, sige hahayaan kita. Pero sasabihin ko din kung anong iniisip ko sa tuwing pinipilit mo akong makipag talik sayo. Naiisip ko na kung yun lang ba ang habol mo sa'kin! " Galit nitong sigaw at tumayo.
"Saan ka pupunta!?" Iritang tanong ni Blake kay Behatti ng makita niya itong patungo sa pinto.
"I'm going home!" Sagot ng dalaga sa kasintahan at walang lingon lingon na lumabas ng kwarto nila.
Kinuha niya ang kaniyang mga gamit at lumabas ng resthouse. Tatawag nalamang siya ng cab para maka uwi. Sobrang sama ng kaniyang loob dahil hindi makaintindi si Blake. Sa isang taon nilang mag kasama ay lagi nalamang ito ang bukang bibig ng kaniyang kasintahan. Nag tataka na rin siya kung mahal nga ba siya ni Blake or ang bataan niya lang ang habol nito.
"Hey.. Are you okay?"
"Shit!" Napatalon si Behatti sa gulat ng biglang sumulpot si Blaze sa kaniyang tabi. Naka pamulsa ito at cool na cool sa kaniyang leather jacket at maong na shorts.
"Sorry Ate Hatti. Did I scare you?" Tanong nito kay Behatti at ngumiti ng alanganin.
"Ahm..kind of.." Tugon niya at nag iwas ng tingin.
Naaalala nanaman niya ang halik na kanilang pinag saluhan kanina. Pero mukhang siya lamang ang naapektuhan sa halik na iyon dahil normal parin kung kumilos si Blaze na parang walang nangyari. May kirot siyang naramdaman kaya't mas lalo siyang nainis sa sarili.
"Bakit hindi ka pa tulog?"
"Why are you still awake?"
Sabay nilang tanong kaya't nag katinginan sila at parehas natawa.
"You first."
"Ikaw muna."
Sabay nanaman nilang saad. They laugh and shook their head. Ang kaninang mabigat na damdamin ni Behatti ay gumaan. Samantalang sobrang lakas ng tibok ng puso ni Blaze. May kung anong nag tatambol sa kaniyang dibdib at namamawis na rin ang kaniyang kamay. Paulit ulit bumabalik sa utak niya ang pag halik ni Behatti sa kaniya kanina. Parang gusto niyang hilahin ulit si Behatti at tikman ang mapang akit nitong malambot na labi.
"Hoy! Tulala ka nanaman. May problema ka ba baby?" Malambing na tanong ni Behatti na siyang ikinapula ni Blaze. Hindi niya alam kung sadyang naging malambing ba ang tinig nito o sa kaniyang pandinig lamang iyon.
BINABASA MO ANG
The Fuckgirls Adventure
RomansaWhen the Destiny makes a move, you can't do anything but to follow... What will happen if the immature playgirl meets the cold hearted bitch? Mababago kaya nila ang bawat isa? O mananatili nalang sa nakagawian nila? At paano pag nabunyag ang mga li...