Chapter Thirty Eight

5.7K 215 42
                                    

CONTINUATION OF FLASHBACK.


*****


"Baby.. Please. Last na 'to promise." Pakiusap ni Blake sa kapatid. Nakabusangot naman ang muka ni Blaze.

"Ate may date nga kami ni Choleen. Hindi ko masusundo si Ate Hatti." Tugon nito. Kung tutuusin ay pwede niya paring siputin si Behatti kung gugustuhin niya pero iniiwasan niya ang kasintahan ng kaniyang kapatid dahil nakokonsensya siya.

"Talaga? May date kayo?" Taas kilay na tanong ni Blake sa kapatid. Nag tataka naman siyang tiningnan ni Blaze.

"Uh-huh."

"Okay then." Sagot ni Blake at hinalikan sa pisnge si Blaze.

"Mahal na mahal ka ni Ate." Saad ni Blake at ginulo ang buhok ni Blaze.

"I love you too Ate kong panget." Birong sagot ni Blaze sa kapatid.

Kagat labing tiningnan ni Blake ang kapatid bago lumabas ng tuloyan.

Nang matapos ng mag ayos si Blaze para sa date nila at excited siyang bumaba at mag paalam sa mga magulang. Tumunog ang kaniyang telepono kaya't napatigil siya sa pag lalakad para sagutin ang tawag.

"Hey love! Are you ready? Out mo na?" Excited nitong tanong sa kasintahan.

"Ahm.. Babe, pwede bang i-reschedule nalang natin yung date natin? May urgent kasi na client eh. Kailangan ngayon ko tapusin."

Nalaglag ang balikat ni Blaze at nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sobrang pinag handaan niya ang araw na ito dahil mag cecelebrate sila ng monthsary nila ni Choleen pero mukhang hindi na ito matutuloy. Ngayon niya sana ibibigay ang matagal ng gustong makuha ni Choleen sa kaniya.

"Babe? I'm really sorry. Babawi ako next time. Promise." Dagdag ni Choleen at pinatay na ang tawag kahit hindi pa nakakasagot si Blaze.

"Hey babygirl, what's wrong?" Tanong ng Tita niya ng makitang paiyak na si Blaze. Dito kasi siya madalas makitulog pag wala ang Mom at Dad niya at nasa business trip para hindi siya mag isa sa bahay.

"Nothing Tita." Sagot niya at ngumiti ng pilit.

"Are you sure?" Paninigurado nito sa kaniya.

"Why? What happened?" Biglang sulpot ni Blake at sinipat si Blaze kung napaano ito.

"Nothing happened Ate. Choleen just cancelled our date." Malungkot nitong tugon sa kapatid.

"Awe. That's sad. Bakit daw?"

"Busy daw siya eh." Sagot ni Blaze at bumuntong hininga.

"Hayaan mo na baby baka busy lang talaga siya. Babawi yun sayo pag hindi na siya busy." Pag papagaan ng loob ng Tita ni Blaze sa kaniya.

"Hmm..yeah." Sagot nalamang niya.

"Akyat lang ako, mag papalit ako ng damit." Pag papalam niya ng pigilan siya ni Blake.

"Wag na, sayang attire mo. Siputin mo nalang si Behatti nasa resto na yun. Sige na baby Blaze. Wala ka naman din gagawin eh." Pilit nanaman ni Blake sa kaniya.

Napairap si Blaze sa kapatid at bumuntong hininga. Kahit ayaw niyang makita ang kasintahan ng kapatid ay kaylangan niyang puntahan ito. Naawa din siya kung walang sisipot dito.

"Bakit kasi hindi nalang ikaw ang sumipot, jowa mo naman yun eh hindi akin." Pag mamaktol niya sa kapatid.

"May biglaan nga akong meeting baby Blaze.. Sige na please." Pag papaawa ng kapatid kay Blaze.

The Fuckgirls AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon