Chapter 1 - New Student

61 2 0
                                    

Bago pa lang ako sa Ramon University, 'di ko aakalain na makakapasok ako sa mamahalin at mabonggang school na ito. Pagbaba ko ng tricycle, nakita ko ang mga taong  nakatingin sa 'kin, nagagandahan kayo sakin  noh?


Pero syempre pang mayaman naman kasi talaga ang eskwelahan na ito. Nagpapasalamat nalang ako kay sa nanay ko at sinali nya ako sa raffle noong March 20 bago mag end ang school year sa paaraalan na ito.


And every year, mayroong tatlong swerteng estudyante ang makakapasok sa mamahalin at bonggang eskwelahan na ito. Pero what do you expect? Isa ako sa mga nabunot, oh well.


Isa lang naman ang plano ko dito e, ang makapag-aral ng mabuti at magkaroon ng mabuti at matalik na kaibigan. Siguro yung dalawa pang swerteng nabunot ang magiging kaibigan ko, oh well, who knows?


Nangako rin ako kay mama na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko lalo na sa magandang paaralan na pinasukan ko. Ang ganda-ganda na nga dito, ibabagsak ko pa ang grado ko?


Sana hindi mahirap ang mga lessons at sana magkaroon rin ako ng kaibigan na kayang pumatay para lang sa 'yo. Pero kailangan ko rin mag-ingat ingat lalo na marami ng fakes and plastics na kumakalat sa mundo.


Nagtanong ako sa isang lalaki na nakatayo malapit sa isang pintuan. Siguro classroom niya yun at ang astig niya ah, naka shades pa siya! Nagtanong ako sakanya kung saan ang classroom na papasukan ko tapos tinanggal nya ang shades niya and he looked at from head to toe.


At natawa siya sa 'kin. "HAHAHA new student?" Sinagot ko nalang ang tanong niya, "Opo, isa ako sa mga nanalo ng raffle." Lalo siyang natawa sa sinabi ko, siguro sobrang yaman niya talaga. Nagpakilala nalang ako, "Ah 'di ko po kasi makita yung pangalan ko sa listahan e, by the way I am Danica Mae Rosanya, you can call me Danica."


Inabutan ko siya ng kamay but he just looked at my hand at sinuot ulit ang shades niya. Narinig ko ang mga babaeng nagtitilian sa likod ko and he said his name "Patty Antonio but you can just call me Pat."


"Sa tingin ko dito ka rin sa section namin. 'Di lang 'ata nalista ang pangalan mo kasi yung new student ka palang dito at 'di ka pa masyadong kilala." At sabi ko "Ah sige salamat po."


Bago ako pumasok may bumangga sa akin na babae at nahulog ang mga libro na bitbit ko. "Like oh my god tumingin ka naman sa daanan mo and like ikaw ba yung nanalo sa raffle? Nakita kasi kita sa event" aniya. "Ah opo ako nga po yun" sabi ko. "Ew I don't talk to cheap people like you. Sa dami daming classroom dito sa section pa talaga namin, hay naku. At kinausap ka pa talaga ng kuya ko like it's so disgusting!" sabi nya.


'Di ko nalang siya sinagot. Pero ang narinig ko sa usapan nila Pat at nung babae, ang narinig kong pangalan ay Alexa. Well pang mayaman talaga ang pangalan nya and I think she is the queen bee.


Nagsimula na ang klase namin, habang nagpapakilala ako pinagtatawanan nila ako pati ang dalawang new students na si Havi at Pete. Pero 'di ko nalang sila pinansin, I won't let them ruin my day.


Habang naglelesson kami, powerpoint ang gamit ng teacher namin at malaki ang tv para ipakita ang presentation. Pero biglang may lumabas na video na lumalabas ako ng bahay at sakay ng tricycle like who would do that?! Nagtawanan silang lahat at may narinig ako na sinabihan akong cheap, kadiri, disgrace sa school. Umiyak ako at lumabas sa building namin at sa soccer field tumambay. Ako ba ang sinisiraan nila? Well mali kayo ng binabangga at malalaman ko rinn kung sino ang gumawa nito sakin!

SuperiorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon