Chapter 5 - Oh Vincent

11 2 0
                                    

Hanggang ngayong iniisip ko pa rin ang nangyari kanina at hanggang ngayon I can't stop overthinking.

Kaya sumakay na kami ni mama ng taxi pauwi sa bahay at gusto ko na tapusin ang mga assignments ko at magpahinga. Nung nakasalubong ko si kuya, wala nanaman siyang ginawa kundi maglaro ng mobile legends. Huminga ako ng malalim at pumasok na ng kwarto ko para magbihis.

Habang chinecheck ko ang phone ko ay titig na titig pa rin ako sa unknown number na 'yon at wala nalang akong ginawa kundi idelete ito kasi ayoko maging dahilan 'yan ng pagkaba ko.

Sinuot ko nalang ang earphones ko tapos sinimulan ko na ang assignments ko, palibhasa Math pa ang pinaassignment.

Nung natapos ko na ang mga assignements ko ay humiga na ako sa kama at natulog. Gumising na ako ng mga 5:30 ng umaga para mag almusal at maghanda para pumasok. Rineady ko na rin ang bag ko at ayoko malate dahil 7:45 AM ang pasok namin.

Habang naglalakad ako sa kalsada, mayroon akong nakatabi na lalaki at parehas kami ng uniform. Siguro parehas kami ng school na pinapasukan, ibang class siya ang alam ko pero same section kami. Habang naghihintay ako ng taxi ay may tumawag sakaniya. Sana all iphone.

Ang narinig ko ay ang tatay niya at siya na naguusap.

"Hello dad." pogi na nga siya, pogi pa ang boses niya. Pwede ko na ba siya maging jowa? Chos. 

"Vincent, anak hindi ka muna mapipick-up ng driver mo mamaya sa school dahil nagkasakit siya, mabuti pa at mag commute ka nalang at binaunan ka naman ng mommy mo ng 5k sa wallet mo." rinig ko sa phone niya.

"WHAT?!" sigaw nya. "Pero dad!" pero binabaan nalang siya ng tatay niya. "FUCK!" at tumingin siya sa akin. "What are you looking at?!" aniya. Iniwasan ko nalang siya ng tingin at napangiti.

Hayst Vincent, what a handsome name. 

SuperiorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon