Tiningnan ko sarili ko sa salamin and naglagay lang ako ng unting lip tint sa labi. Paglabas ko si Sera ang sumalubong sa akin. Kinamusta niya ako "Okay lang naman ako, e ikaw?" sabay nginitian niya naman ako.
Sabay kami naglakad sa hallway nang makita ko ang isang maganda at sexy na babae habang magkahalikan sila ni Luke sa bandang locker, "Sino siya?" tanong ko kay Sera.
"Ah siya si Scarlette. Isa siya sa pinakamayaman sa school na ito. Boyfriend niya yan si Luke mga 2 years na rin sila and don't worry normal nalang sa amin makita iyang dalawa mag PDA dito sa school. Oh sige, tara malate pa tayo sa class."
Tumango naman ako at sabay na rin kami naglakad papuntang classroom. Nakita ko si Scarlette na dinaanan ako at nag poker face siya sa at first but she still smiled at me and I saw her full name sa ID niya, "Scarlette Anne Flores".
Discussion kami sa Physics ngayon and aaminin ko, magaling magturo ang mga teachers dito pero 'di mo naman talaga mapipigilan na maantok. Pero pagtingin ko sa katabi ko na si Casey ay ang sarap ng tulog , kulang nalang ay bigyan ko siya ng unan.
Nagring na ang bell at mabilis ako pumunta ng locker ko kasi doon ko iniwan ang cellphone ko. Pagtingin ko sa cellphone ko, nakita ko nag message si mama na siya daw ang susundo sa akin mamaya kaya sobrang saya ko nang makita ko yun pero mayroong isang number na 'di ko alam kung kanino at nakita kong message nito ay:
Unknown Number:
Don't trust 9 students. It might be your friends but they are playing with you and maybe, I'm one of them.
Nagulat ako sa aking nakita pero in-off ko nalang ang phone ko at binalik sa locker ko ito at tapos na ang break namin kaya papasok nanaman kami ulit for Spanish class.
Natapos ang klase nung nakita ko na si mama sa labas ng gate ng school namin. Excited ako lumabas at paglabas ko niyakap ko si mama nang mahigpit. "Kain tayo sa Mang Inasal?" aniya at napangiti ako bigla sa sinabi niya. Gutom na rin ako at hindi ako makakain sa school at marami akong iniisip lalo na yung text na natanggap ko from an unknown number.
Habang pinapapak ko ang chicken malayo ang tingin ko at iniisip ko yung 9 students na hindi ko daw dapat ipagkatiwalaan. I mean 21 kami sa classroom, paano ko naman malalaman kung sino ang dapat sa at sino ang hindi? Argh nakakasira naman ng ganda!
![](https://img.wattpad.com/cover/230567541-288-k699599.jpg)
BINABASA MO ANG
Superior
Детектив / ТриллерRamon University is a school filled with rich students when suddenly, 3 students won a scholarship. Will there be a clash between them? Will murder lead the way? Will the new transfer student fall in love? -per chapter, it only consists of 100-500 w...