Chapter 10 - Tired

7 1 0
                                    

Pagbaba ko ng taxi ay nagbayad na rin ako nang nakita ko si mama na naghihintay sa 'kin sa loob. Pagpasok ko sa loob ng bahay namin, nakatitig sa 'kin ng matalim si mama habang naka kunot ang noo at naka halukipkip. 

"Bakit ang tagal mo sa mall?" 

"Sorry ma."

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para magbihis ng damit at para matulungan ko si mama magluto ng hapunan namin.

Lumabas na ako ng kwarto ko at kinuha ko ang mga ingredients para sa Adobo. Ginisa ni mama ang baboy sa kalan at linagyan ko nalang ng mga kasangkapan. 

Habang hinihintay ang adobo, lumabas muna ako ng bahay para magpa-load dahil wala kaming wifi kaya data lang ang gamit ko for social media. Habang pabalik ako sa bahay, chineck ko ang FB account ni Alexa and she was making rumors about me. Marami rin ang nagshare at nag-haha react nito.

Nagulat ako sa nakita ko dahil pinapakita niya ang bad side ko and she's making rumors that I was "acting innocent". 'Di ko nalang napansin na unti-unting tumlo ang luha ko at nabasa ang cellphone ko. 

Ba't ganito ang mga tao sa school na ito? Ba't parang ang saya nila kapag nakakasakit sila ng dadamin ng isang tao o kapwa nila?

Pinagalitan ako ni mama kasi sa sobrang pagka-overthink ko, nakalimutan ko na yung Adobo na niluluto namin. Sa sobrang lungkot at tulala ko, habang inaayos ko ang lamesa namin, bigla ko nalang nahulog at nabasag yung baso namin. 

"Hay diyos ko naman Danica! Ano na ba ang nangyayari sa 'yo?!" sigaw ni mama sa 'kin. Hindi ko nalang sinagot dahil hindi ko na rin alam at maintindihan ang sarili ko. 

Nang tapos na kami maghapunan, pumasok agad ako sa kwarto at ko kinulong ang sarili ko.

"I'm tired."  













SuperiorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon