Chapter 14 - Kiss

15 1 0
                                    

Habang nagpa-party kami at sumasayaw sa dance floor, napahawak ako bigla sa braso ni Caleb at bigla niya rin hinawakan ang bewang ko at sakto naging romantic ang music ng bar.


Hindi naman niya maiwasan na magulat sa ginawa ko pero nakangiti lang ako sakanya at hindi ko masabi kung lasing na ba ako or sadyang gusto ko lang talaga sya maisayaw.


I mean, he got the looks at mabait naman siya pero sometimes, aaminin ko, lagi niya akong inaasar at minsan may pagka-bad boy rin siya pero physically, perfect ang katawan niya. Kahit hindi gano'n kabongga ang mga suot niya ay siguradong mahuhulog ka pa rin sa mga titig niya.


May sasabihin sana siya pero linagay ko ang index finger ko sa labi niya "Shhh, i-enjoy nalang natin ang moment na 'to Caleb," sabi ko.


Naramdaman ko na nagpapawis na ang mga kamay niya sa paghawak niya sa bewang ko at bigla siyang napatingin sa likod ko nung nakita niyang nandoon ang mga tropa niya, sila Luke at Vincent, pero hinawakan ko ang pisngi niya at bigla ko siyang hinalikan. Ramdam na ramdam ko ang lambot ng labi niya at ang hininga niyang amoy alak.


Nabigla silang lahat sa ginawa ko at biglang napasigaw ng malakas sina Luke at Vincent.


Nagulat si Caleb sa ginawa ko pero nginitian ko lang siya at bumalik na ako sa table ko at humingi nanaman ng isang glass sa barista. Ininom ko ito ng mabilisan at umupo muna ako sa sofa. I mean, ako na mismo nagsabi sa sarili ko,  I like the new me. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SuperiorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon