Habang nakahiga ako sa kama ko, kinuha ko ang isa kong unan at niyakap ko 'to habang umiiyak. Ang sakit. Sobrang sakit. I don't deserve to feel this kind of pain. 'Di ko namalayan, nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko, mugtong-mugto ang mata ko. Naligo ako agad at naglagay ng unting lip tint at dalawang spray ng perfume. Kumain na rin ako ng almusal ko at nag toothbrush ako sa may lababo namin.
Paglabas ko ng bahay, naghintay ako ng tricycle na masasakyan ko para makapunta sa mga sakayan ng taxi kasi tinatamad akong maglakad. Pagtingin ko sa orasan ko, 7 AM na pala, 45 minutes nalang ay pasok na namin. Sana 'di ako ma-late.
Nakasakay na rin ako ng taxi at habang nagd-drive si manong ay binuksan ko yung data ng phone ko para tingnan yung kumakalat na away namin ni Alexa. Grabe naman pala, ako pa ang pinamukhang may mali sa aming dalawa.
Pagkatapos kong magbayad kay kuya, huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko para sa mga matatalim ng titig ng mga estudyante sa 'kin.
"This is it girls, it's time for revenge."
BINABASA MO ANG
Superior
Mystery / ThrillerRamon University is a school filled with rich students when suddenly, 3 students won a scholarship. Will there be a clash between them? Will murder lead the way? Will the new transfer student fall in love? -per chapter, it only consists of 100-500 w...