Chapter 1

202 5 8
                                    

Eva





"Shut the fuck up!" Bulyaw ko kay Selina dahil kanina pa siya kumakatak.

"Nagfo-focus ako dito, oh! Tangina ka!"

Inayos ko ang pagkaka-rolyo ng foil at nilukot ang dulo at sinindihan. Ugh, it feels good to be high.

"Penge," Nakapout na agaw sa akin ni Selina sa weed na hawak ko.

Napatingin ako kay Arman na nakatingin lang sa akin habang humihithit sa sariling mj.

"Nasaan na sila Hensy? Tangina namiss ko ang ganitong ambiance," bulong ko sa kaniya at napatitig sa pulang ilaw ng basement.

Nandito ako sa basement na tambayan namin dito sa Angeles at nagabsent kami dahil nakakatamad ang first day.

Second year college na ako sa AU ng Educ. Wala naman kasi talaga akong gusto kaya kahit ano na lang. Isa pa, ito ang ang pinamaka mabilis at mura.

"Abot mo nga 'yon, be," Ani ko kay Selina na tahimik na ngayon.

"Alin?"

"Yung bote,"

Napatayo ako nang bumukas ang pinto sa taas dahil underground itong hide out namin.

"I missed you, Eva!" Sigaw ni Nicole at niyakap ako.

"Don't touch her, Nic," Lutang na sabi ni Selina at natawa naman ako.

"Hensy! Kamusta ang business?" Natatawa kong bati kay Hensy.

Ngayon na lang kasi kami nagkita kita dahil tumira ako sa manila ng apat na taon. Ngayon nalang ulit ako nakabalik dahil sa punyetang step dad ko dun.

I sat down and reminisce my life in Manila with my mom and her stupid boyfriend.


"Shut up, Eva!" Sigaw ni Mama at dinukdok ako sa lamesa.

Tangina, bakit ba kasi nagbago siya simula nang maghiwalay sila ni papa? Hindi naman kasi sila kasal at pokpok si mama tulad ng sabi ni papa.

"Ikaw ang ikamamatay ko!"

Natawa na lang ako at pinunasan ang luha, bakit kasi pinag-aaral pa nila ako kung nabibigatan pala sila? Nakalibre na nga ako sa UP, tangina!

"Hayaan mo na yang anak mo, Imelda," tawa ng boyfriend niyang naninigrilyo sa sofa.

Maliit lang ang bahay namin at minsan na lang ako umuwi dahil madalas kila Selina ako nakikitulog.

"Mamaya ka sakin,"

Sabi niya kasi ay nilalandi ko daw ang jowa niya e nakakadiri nga 'yon! May taste naman ako kahit ganito kami kahirap.

Bakit kasi iniwan pa kami ni papa, e! Kami pala ang nangiwan dahil hindi nakuntento si mama sa titi ni papa. Kaya ayon, lumuwas kami sa Maynila at dito tinuloy ang pagaaral ko.


"Tulungan mo na ako," Pa-cute ko kay Selina habang nasa hallway kami.

First year na kami nito at naka salubong namin sa hallway si Adam, teacher namin siya sa ibang subject at natatanga ako lagi sa kagwapuhan niya.

"Ang landi mo," Irap niya pero nagready naman.

Nagpapatulak kasi ako pag saktong dumaan si Adam. Bagay na bagay talaga kami! Adam siya at Eva ako.

"Ouch!" Arte ko at nasubsob sa matigas na dibdib ni Sir.

"Are you alright?" Tanong niya at hinawakan ako sa braso.

Tumango ako dahil natameme ako sa titig niya. Bakit ganon, Eva?!

First interaction namin iyon tapos speechless agad ako? Ano yun? Hindi ko matanggap!

Match Made in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon