Chapter 9

77 6 2
                                    

Lips


















Shit! Hindi pa ako nagpapalit at basa pa rin ako. Buti na lang at leather ang sofa at hindi nito sinipsip ang basa ng suot ko.

Naligo na ako at madaling-madali dahil see you later daw! Seryoso ba siya? O baka naman pinapaasa niya lang ako, that would hurt if he do.

Hindi na ako nagskin care dahil baka datnan niya ako na nakaface mask pa.

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang mahaba kong buhok na hanggang puwitan dahil basa pa.

Sinuot ko na lang ang partner kong pangtulog, black shorts at black top na silk. Hindi na ako nagbra dahil ganito naman talaga ang suotan ko pag matutulog. Baka sabihin niya ay naghanda pa ako.

Sa paghihintay ay kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Pero lumipas na ang isang oras at 11 o'clock na pero wala pa siya. Tiningnan ko ang cellphone pero wala naman siyang text. Baka nga pinaasa niya lang ako.

Baka sabi niya lang iyon. Tuyo na ang buhok ko lahat-lahat.

Kumuha na lang ako ng panibagong in can beer sa ref at nagpatugtog ulit.

Ang tagal kong nakatulala lang sa pinto at walang ibang ginawa. Mukha pala akong tanga.

Napabuntong hininga ako at tinitigan ang lata ng beer na paubos ko na.

I can't even smoke because I already used it all earlier. Umilaw ang cellphone ko at agad kong tiningnan kung sino ang nagtext at nakitang si Arman lang iyon.


Arman:

It would be better if you came with us;))


With a picture of them drinking. Napailing na lang ako. Umiinom din kasi ako ngayon. Hay! Tangina. Bakit ba ako umaasa kay Adrien, mukhang nakatulog na iyon.

Napabalikwas ako nang may kumatok at nang tingnan ko ang wall clock ay pasado alas dose na.

Siya na ba 'to? O baka si Selina?

Sumilip muna ako dahil baka magnanakaw o ano at nakitang siya nga! Oh my gosh!

Inisang lagukan ko ang laman ng beer at hinagis iyon sa malapit na trash can at hindi pa na-shoot dahil hilo na ata ako! Tanga tanga naman!

Shinoot ko na at kumaripas sa pinto.

Tiim bagang siyang nakatingin sa akin at pinasadahan ako ng tingin pababa.

"Did I wake you up?"

Umiling ako at nilakihan ang bukas ng pinto.

"I'm... just checking on you, uuwi na rin ako," Dugtong niya at kumunot ang noo ko.

"So? Pagkatapos mo akong paghintayin, uuwi ka lang din?" Naibulalas ko,

"I have nothing to do here, I'm just worried," Napansin ko ang suot niyang white t-shirt at jeans. He looked hot with just that.

"Ingat pala," Tugon ko at isasarado na sana ang pinto pero pinigilan niya iyon gamit ang palad niya na humawak sa pinto.

"Are you mad?" I gulped when he towered over me.

This bastard is so unfair. Nawala agad ang inis ko.

"Hindi. Alis ka na, sige." Isasara ko na sana ulit ang pinto pero pinigilan niya ulit iyon gamit ang paa niya.

Pinipilit ko na lang ang inis ko dahil gusto ko ng ngumiti. Naiinis ako sa sarili ko!

"Bakit? Akala ko ba uuwi ka na?" I said softly,

Match Made in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon