Tiktok
"I need to go now," Umalis ako sa pagkakaupo sa hita ni Arman.
Yeah, I know. We make out sometimes. It's just for fun. Don't judge me, I am still fully clothed.
"Why?"
"Tutor," I winked and then get out of his car.
Nasa tapat lang kami ng building ng apartment at pumasok na ako dahil malapit na daw si Adrien.
Pasarado na ang elevator nang pigilan iyon at pagtingin ko kung sino ay si Adrien iyon.
"I told you, I could just go to your place. Baka naaabala pa kita." Wika ko at tiningnan siyang seryoso at diretso ang tingin sa harap niya.
"It's fine. I am helping and it's my job to tutor you on where you're comfortable." He said professionally.
"Paano kung sa lugar mo ako komportable?" Bulong ko at inayos niya ang kanyang tayo.
"Just kidding."
Nilapag ko ang gamit ko sa sofa at itimuro iyon sa kaniya para maupo siya.
"I'll just change my clothes. Do you want anything?" Hinubad ko na ang ID ko at sinabit sa sabitan ng mga susi.
"Water? Soda? Or perhaps, me?" Ngumisi ako dahil seryoso na siyang naglalapag ng mga gamit sa lamesita.
"Joke lang, eto naman napakaseryoso sa buhay."
Nagpalit na ako at medyo nagpanic pa ako dahil ano bang isusuot ko.
Naghalf bath na rin ako at inisip na suotin na lang ang madalas ko sinusuot tuwing pag uwi pero lagi akong nakasando at shorts tapos wala pang bra.
Nagmalaking tshirt na lang ako na may print ng who's my daddy sa gitna at hindi na nagbra dahil hindi naman ganon kahalata kung hindi tititigan.
Nagcotton shorts din at lumabas na. May mga tinatype siya sa laptop niya at kumuha muna ako ng cupcake sa ref at nilapag sa harap niya kasama ang orange juice. Baka sabihin niya ang cheap ko kung tubig lang.
"You know, I can pay you. Tutal first day naman ito," Nasa harap niya ako ngayon at nagpusod ako dahil mahabang ang buhok ko at mainit.
Binuksan ko ang mini terrace at sinide ang kurtina para pumasok ang hangin. Pinatay ko muna ang air conditioner.
"You don't need to. Your friend asked me a favor and I obliged." Busy pa rin sa pagtitipa.
"Ayos lang bang buksan ko ito?"
Lumingon siya saglit at tumango. Bumalik ulit sa tinitipa. Bakit ba napaka seryoso niya? Wala ba siyang kaibigan? Yayain ko kaya siyang mag-mj?
Just kidding. Baka pinatalsik niya pa ako sa school pag nalaman niyang gumagamit ako.
Umupo ulit ako sa harap niya sa lapag at nilabas ang nagiisa kong notebook dahil hindi naman ako nagsusulat.
"Shall we start?"
Tumango ako at pinaupo ko naman siya sa lapag na rin dahil may carpet naman. Mukhang hirap siya dahil sa damit niya kaya nagtanggal muna siya ng sapatos.
Wala si Selina dahil may group study daw sila. Mga bookworm, di nila ako gayahin. Nagaaral na tapos lumalandi pa. Odiba? Two in one.