Ayos lang
Kinabukasan ay sinabi niyang hindi niya ulit ako matuturuan, pumayag naman ako dahil valid naman ang reason niya. May meeting ang lahat ng teachers.
"May nangyari ba kahapon? Bakit hindi mo na siya nilandi bago siya umalis?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano, pano ba naman kasi! Ang sakit ng word na nilandi! Well, truth hurts.
"Sapat na kasi ang panlalandi ko sa kaniya bago siya umalis,"
"Huh? Kailan pa naging sapat?" Naguguluhan niyang tanong.
"Wala, be. Ingat ka sa pag-uwi next week, ha. Hindi na kita masasamahan, nakakahiya kila tito."
"I can tutor you too," Ani ni Adrien kay Selina. Natatakot ba siyang mapag-isa kami? Grabe siya! Hindi naman ako nangangain, slight lang.
"Wag na po, Sir! May group study po kami ng mga nerd friends ko at late na po ako kaya bye sa inyong dalawa!"
"Don't you want to be alone with me?" Inosente kong sabi at inayos ang upo ko sa sahig.
Tumikhim siya at tiningnan ako. Seryosong-seryoso siya at hindi man lang ngumiti, siguro ay huwag ko na lang i-open yon? Dipende siguro sa mood ko mamaya.
Nag-bra na ulit ako dahil plain white shirt lang din ang suot ko. I want to tease him with my words and not my body.
Hindi pa rin siya umuupo at tinupi niya lang ang long sleeve polo niya hanggang braso.
"Why are you so bothered? Upo ka na," Tinap ko pa ang sahig sa tabi ko at bumuntong hininga siya.
Umupo siya sa sofa sa likod ko at kumunot ang noo ko kung bakit siya nandon. Nilapag niya lang ang laptop sa tabi niya at doon ako humarap, balak niya yatang gawing lamesa itong sofa.
"Ano ba? Gago ka ba? Bakit ang layo mo, paano mo ako matuturuan?" Hindi naako nakapagtimpi at mukhang nagalit naman siya.
"Don't talk to me like that, I am your teacher, Miss Li-" Hindi ko na siya pinatapos dahil high blood ako ngayon.
"Balik na naman sa formality? Eushan na nga lang, e!" Giit ko at pinagmasdan siyang kumunot ang noo.
"I said don't talk to me like that, I am still your teach-"
"Teachers don't kiss their students," Inosente kong bawi at sumeryoso na naman ang mukha niya.
"Yeah, and students shouldn't kiss their teachers," Aniya na nakapagpagisi sa akin.
"Mapipigilan ko ba yon kung ikaw ang teacher? And it was an accident!" Sagot ko at nag-iwas siya ng tingin. Nagtiim bagang siya at napansin kong hindi ata siya nakapagshave mula noong isang araw kaya medyo mahaba ngayon.
Kaya pala mas lalo siyang gumwapo.
Totoo namang aksidente lang iyon at talagang nakakabigla dahil hindi niya ako binitawan. Iyon na ang pinakagusto kong pagkabigla.
Hindi tuloy naluto ni Selina yung hipon nung isang araw tapos wala ako sa mood kahapon kaya baka ipaluto ko sa kaniya mamaya. Natutunan niya iyon sa kanila at iyon lang yata ang kaya niyang lutuin na perfect.
Nagsimula na kami at wala na siyang nasabi. Nalulungkot ako dahil wala ng pasok next week at two weeks walang pasok. Two weeks ko siyang hindi makikita. Sundan ko kaya siya mamaya pauwi para alam ko kung saan siya nakatira? Ang creepy ko naman, wag na nga.
Sa totoo lang ay naturo niya na sa aking ang lahat ng iddiscuss pa lang this week. Mahilig mag advance si babe. Napaka baligtad pala namin, ngayon ko lang naisip.