Chapter 6

72 4 1
                                    

Student and Teacher















"Answer this," he said in monotone.

Tinututor niya na naman ako at kahit bored na bored na ako sa topic namin ay nakikinig pa rin ako. Alam ko naman na kasi itong tinuturo niya, e. Gusto ko lang talaga siyang makasama.

Sinagutan ko na habang balik siya sa ginagawa sa laptop niya.

"Done," sagot ko at ngumiti ng may pagmamalaki sa kaniya.

Binasic ko lang kasi iyon. Mabilis kaming natapos ngayon kaya sinilip ko ang ginagawa niya sa laptop niya.

"Para saan yan?"

Nakaupo kami ngayon sa sahig at nakapambahay na lang ako.

Hindi na ako nakakapunta sa hide out at kahit medyo namimiss ko na ang magsmoke ay mas pipiliin kong makasama na lang si Adam.

Tumigil na kami ni Arman at pinaghanap ko na lang siya ng jowa. Baka may pag-asa pa siyang magbago.

"This is my topic next week," Sagot niya at diretso ang tingin sa screen ng laptop.

What?!

"Next week pero ginagawa mo na? Ano ka si Selina?"

Napalingon siya sa akin at kumunot ang noo.

"What do you mean?"

"Ang tagal pa ng deadline tapos ginagawa na agad," Umiling ako sa kaniya at tinitingnan ko pa lang ang ginagawa niya ay tinatamad na ako.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko ng ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

Hindi ko siya gustong umalis. Naninibago lang ako nitong mga nakaraang araw dahil medyo nagtatagal na siya. Hindi na siya laging nagmamadaling umalis.

"Two months mo na akong tinututor bukas. Ayaw mo talagang magpabayad?"

Kumunot ang noo niya at tiningnan lang ako at bumalik na naman sa laptop.

"Ano ba, puro ka trabaho."

Kinabahan ako ng kaonti dahil baka sabihin niya na naman ay lumagpas ako sa teacher-student relationship namin. Alam ko naman yon. Hindi ko nga siya tinatawag na sir, e.

"I told you, I am doing this as a favor. But if you want to pay me, you can do that." He answered so I'll shut up.

"Dinner?" Tanong ko at mukha naman siyang nagaalangan.

"I need to go."

Alright, another fail for tonight. Pag siya talaga napakain ko sa bahay, tuwang tuwa na ako.

"Kamusta?" Tanong ni Selina nang makauwi siya at patulog na ako.

"Alaws, be." Sabi ko at dumiretso na sa kwarto.

Bagong araw na naman at hindi daw ako matuturuan ngayon ni Adrien. November na next week at syempre ay tambay lang ako sa hide out.

Uuwi daw si Selina sa Maynila at gusto niya akong isama pero hindi na ako sasama. Wala naman akong pamilya doon.

Hindi ko kilala ang mga lolo at lola ko sa side ni mama at ganun din kay papa. Buhay pa yata ang mga magulang ni papa pero hindi niya ako pinakilala doon.

Titingnan ko na lang kung makakapunta ako kila papa pero baka masira ko lang ang araw nila ng bago niyang pamilya.

"Ang mahalaga may pera ako," bulong ko habang nakaupo dito sa tabi ni Selina na busy sa pagbabasa.

Nasa library kami. Dumaan sa harap namin si Adrien at mukhang hinahanap niya kami dahil may binigay siyang papel sa akin.

"Answer that and I will check it tomorrow," He said then I smiled.

Match Made in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon