Beach
Paggising ay napalingon agad ako sa orasan. Saktong 7 pa lang ng umaga! Napatayo agad ako at humagilap ng damit para maligo. Sana tulog pa siya. Sana.
Paglabas ko ay nandoon pa rin siya sa sofa at mukhang nahihirapan sa paghiga. Ang laki niyang tao kaya hindi ko alam kung paano siya nakatulog doon. Nakonsensiya tuloy ako.
Dumiretso na ako sa banyo at nagsabon ng napakatagal para mabango. Matapos mag toothbrush ay lumabas na ako.
Nagsuot lang ako ng malaking white t-shirt at cotton shorts. Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya hindi na ako mag-aayos.
Paglabas ko ay tulog pa rin siya. Halos isang oras na ako sa banyo sa sobrang tagal tapos tulog pa rin siya? Bigla tuloy akong naawa dahil baka napuyat siya kagabi dahil sa higaan niya.
Lumapit ako sa kaniya at tinitigan ang mukha niya sa malapitan. Kahit tulog mukha pa rin siyang galit at masungit. Ang kapal ng kilay niya na mas lalong nagpasungit sa kaniya.
Ang matangos niyang ilong na halata na pag galit siya dahil hinahawakan niya iyon. Ang mahaba niyang pilik mata na makakapal. Humahalata na rin ang maliliit na balahibo sa mukha niya.
"Ang gwapo mo talaga," bulong ko at nakayuko lang siyang tinititigan.
Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang kaniyang perpektong panga. Nakakatusok ng kaonti ang mga balahibo pero ayos lang.
Paakyat na ang hinlalaki ko sa kanyang labi ng dumilat ang kaniyang mata at napahinto ako. Para akong estatwa na napahinto. Napatayo ako ng maayos at lumayo sa kaniya.
I cleared my throat to remove my embarrassment. Damn, that was hot.
"Uhm, anong gusto mong almusal?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.
Tumayo lang siya at dumiretso sa banyo. Napatulala lang ako sa kaniyang magulong buhok at nilagpasan niya lang ako.
Naghintay ako sa tapat ng pinto pero ang tagal niya sa loob.
Umabot na yata ng 30 minutes at hindi pa rin siya tapos. Naligo ba siya? Siguro nga dahil naririnig ko ang agos ng tubig. Pero anong damit niya?
Pumunta na lang ako sa kusina at inilabas ang hotdog sa freezer at ang itlog sa ibaba. Nagsimula na akong magprito kahit hindi ako sanay dahil gawain ito ni Selina.
Nag fried rice din ako dahil malamig na ang kanin kagabi.
Saktong lumabas siya at natapos ako. Muntik ko ng matapon ang kanin ng makitang nakatapis lang siya ng tuwalya ko!
Putangina! Yung tuwalya kong pink ay nakapalupot sa bewang niya. Napaiwas ako ng tingin ng lumingon siya sa akin.
Mukha pa rin siyang wala sa mood kaya nagsandok na ako.
"Nasaan ang damit mo?" Tanong ko at pinilit na huwag tumingin.
"I forgot I don't have it here," He said using his husky voice.
"Meron ako, pahiramin kita,"
Kumunot ang noo niya pero dumiretso na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang pinakamalaking t-shirt doon na regalo ni Arman sa akin at paglabas ay inabot sa kaniya.
"Whose is this?" Masungit niyang tugon.
"Mine! Kanino pa?" Pagtataray ko pero umiling lang siya at bumalik sa banyo.
Napakagat labi ako sa porma ng kaniyang likod. Bakit naman ganito na, Adrien. Umagang umaga, ikaw tuloy gusto kong almusalin.
Paglabas niya ay sakto lang iyong white tshirt sa kaniya pero medyo masikip pa sa braso. May nakasulat sa likod na 'pussy eater' kaya lalo akong natatawa.