Chapter 2

100 3 2
                                    

Library






"Ayoko na, Arman," Sabi ko at tumango lang siya.

We were girlfriend and boyfriend in a week but now I'm already tired of it. Not because he's demanding or something but we just did it for fun.

"Lakas ng trip niyo," Umirap si Selina at umiling tsaka tinungga ang bote.

"Tama na yan,"

Inagaw ko ang bote niya at ako na lang ang umubos. Ang lakas ng loob uminom e napakabilis niya lang namang tamaan ng lasing.

Nandito kami sa hide out at nagtotongits. Nananalo ako kaya tuwang tuwa ako, inis naman na sila dahil ako ang sunod sunod na panalo.

Naalala ko bigla noong unang araw namin rito sa Pampanga ay dumiretso agad kami ni Selina kila papa.


"Anong ginagawa mo rito?" Bungad niya pagbukas ng gate.

"Pa, namiss kita," Namumugto pa ang mata ko pero nakangiti ko siyang sinalubong.

Niyakap ko siya pero saglit lang at natulala ako dahil hindi niya man lang kami papasukin. Gabi na rin.

"Pwede po ba akong makitira dyan sa inyo? Wala na si mama, pa," napaiyak nanaman ako pero pinunasan ko agad.

"Bibigyan kita ng pera pero hindi ka pwede rito, may basement ako sa Angeles at duon ka tumuloy habang wala kang lugar na mahanap." Aniya at napangiti ako ng mapait.

Tangina ang sakit. Pumunta pa kami dito sa San Isidro Resettlement para lang puntahan siya. Sobrang haba pa ng pila dahil nga gabi na.

Kinabukasan noon ay binigyan niya nga ako ng pera pangkain namin ni Selina at pangenroll ko daw sa AU. Bawal daw akong magHAU dahil nandoon ang anak niya sa pangalawang babae.

"Edi 'wag," Bulong ko at nilapag si mama sa tabi ng kama ko.

Mayaman si papa kaya humihingi ako ng pera palagi. Wala naman siyang angal kaya ayos lang siguro.


"Huy tanga! Bakit mo tinapon yun? Buo mo yon boba," bulong ni Selina dahil hindi siya kasali sa laro.

Napansin ko na buo ko nga kaya napailing na lang ako.

"Uwi na kami, bukas ulit!" Paalam ko sa mga naroon at nagsitango lang sila at kumaway.


"Tangina mo," mura ko kay Selina dahil pilit siyang kinikilig sa kasama ni Adam palagi.

"Tigilan mo ako, be," Umirap ako at pinanood yung dalawa.

Teacher din yung babae at nilalandi si baby, akin lang yan siz! Mali yang ginagawa mo.


Natapos nanaman ang isang linggo at parehas lang ang routine ko. Laging pinapanood si sir tuwing vacant ko at minsan kasama si Selina at minsan naman ay may iba siyang trip.


Ang gwapo niya talaga, nababaliw na ako sa bawat kilos niya. Mukhang mas lumaki ang katawan niya ngayon ah?

Umalis siya sa canteen at lumakad at mukhang papuntang library.

Pag nahuli niya ako na naksunod ay sasabihin ko nalang na pupuntahan ko si Selina dahil madalas naman talaga iyon doon. Puro siya aral kaya buti na lang at sumasama siya sa akin sa hide out.

May nabunggo ako at natapon ang milkshake niya sa uniform ko! What the fuck? Ang tanga naman!

"Sorry," Aniya at inabot sa akin ang bimpo niya.

Match Made in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon